Nagugulat ako sa inaamin ni Dira sa’kin ngunit natatawa na lamang ako sa kanya. Mukhang gusto rin namang patunayan ni Rafael ang kanyang sarili at sapat na ‘yon para bigyan ko siya ng kaonting tiwalang hirap kong ibigay sa nino man. Si Vincent lamang ang bukod tanging lalake na pinagkakatiwalaan ko sa buhay ko. Sa kanya lang din ako komportable dahil halos kapatid na ang turingan namin sa isa’t isa kaya nangangapa pa rin ako sa tuwing nariyan si Rafael. “You’re not comfortable with men?” Nagulat ako sa kanyang tanong nang sumabay siya sa amin sa cafeteria. “Pihikan kasi si Cee. Si Kuya lang close niyang lalake,” si Dira ang sumagot dahil medyo natigilan pa ako at nangangapa ng pwedeng maisagot sa kanyang tanong. Tumango si Rafael. “Masyado nga kayong binabakuran noon ni Vincent. Wa

