Natapos ang talk show at halos nagtitili na si Dira nang lumapit sa akin. Tumawa ako lalo na’t dalang dala siya dahil isa rin sa kinikilig sa aming dalawa ni Vincent. “I really hate when Kuya’s so sweet and clingy pero pag ikaw kay Kuya… Ugh, it’s satisfying! Gustong gusto ko pag nakikita kitang masaya!” Hindi rin naman kasi ako clingy. Hindi rin gano’n ka vocal. Nahihiya ako minsan mag-initiate na gusto kong hinahawakan ako lagi ni Vincent sa kamay. O kaya gustong gusto ko sa tuwing sinasabihan niya ako ng mahal niya ako dahil masarap iyon sa pakiramdam. Gusto ko siyang yakapin lagi. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko ito kamahal. Ngunit minsan ay hindi ko na rin kailangang sabihin iyon dahil kusa niyang pinaparamdam. Kaya kung may pamamaraan din ako, siguro ay ito. Gusto k

