Inimbita namin si Papa para makisalo sa amin. Iyon ang unang beses na naipakilala ko siya ng pormal kay Vincent at Dira. "Ikaw ba 'yung nakausap ko sa cellphone noong birthday ni Celeste? Ang boyfriend niya, si Vincent?" tanong ni Papa nang tingnan si Vincent. Namilog ang aking mga mata. Ngumisi naman si Dira habang umiiling iling ako. "Hindi ko siya boyfriend noong panahong 'yon, Papa!" giit ko sa namumulang mukha. "Pero fiancee niya na ngayon," si Mama naman na nangingiti. Mas lalo akong namula. Si Vincent ay ngumuso lamang habang si Papa ay namamangha. "Talaga? Congrats!" si Papa na tinapik agad ang balikat ni Vincent saka ako nilingon. "Mas napanatag ako dahil ramdam ko kung gaano siya nagmamalasakit sa'yo." "Thanks, Sir..." si Vincent sa pormal na tinig. "Huwag kanang ma

