Tulala na lamang ako sa byahe. Hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa paligid. Nararamdaman kong umaagos ang aking luha ngunit pagod na akong umiyak. Niyakap ako ni Mama. "Kaya naman natin kahit wala ang Papa mo... Kaya kitang buhayin ng mag-isa, anak..." bulong niya habang umiiyak. Panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata. Bakit hindi niya man lang inaway si Papa? Bakit hindi ko nakitang nagalit siya? Bakit hindi niya nilinaw na kami ang totoong pamilya? Bakit hinayaan niyang maging ganito? Bakit wala siyang ginawa at hinayaang mapunta si Papa sa iba? Ngunit nanatiling tikom ang aking bibig at walang masabing kahit ano sa kanya. Sira na ang aming pamilya. Sira na ang tingin ko sa perpekto naming pamilya. Nasira ang tingin ko sa aking ama. Sinira niya ang tiwalang ibinigay k

