Hindi ulit lumutang si Vincent sa pumasok na Summer. Hindi na rin kami masyadong nag-expect ni Dira lalo na't alam kong may sarili rin itong outing kasama na naman ang kanyang friends. Si Dira naman ay napapadalas ang paglabas kasama si Rafael. Niyayaya ako lagi ng dalawa ngunit kagustuhan ko ang huwag sumama dahil alam kong makakadisturbo lamang ako at mahahati ang atensyon ni Dira sa kanyang nobyo. Naging focus ako sa pagsusulat at araw araw na akong may natatapos na isang chapter. Tuwing linggo ko naman iyon ina-update sa tuwing nasa bahay na ako nila Dira para maki wifi. Nakaka post ako ng anim na chapters na ikinakagulat lagi ng mga readers. Kontento ako sa ginagawa ko. Kontento rin ako sa aking araw. Hindi man gano'n ka ingay katulad ng nakasanayan ko noon ngunit tinatanggap ko a

