"Kumusta ang school? Ayos naman ba? Nagustuhan mo ba? Komportable ka ba sa mga kaklase mo?" tinadtad agad ako ng tanong ni Mama pagkauwi ko. Maayos ang aking naging araw sa school. Wala naman akong naging reklamo lalo na't talagang nakikinig lang din ako lagi sa teachers at makikipagkuwentuhan kay Dira. Wala ring nangangahas na umaway sa'kin o lapitan ako lalo na ng mga lalake dahil noong nakaraan na may nagtangka ay hinila agad ni Vincent palayo. Kaklase ko iyon at magpapakilala lang sana ng masinsinan ngunit hindi pumayag si Vincent. "Ayos lang, Mama. Masaya naman," sabi ko at ngumiti sa kanya. Malayong malayo ang pagiging Grade 8 ko noong Grade 7 ako. Nangangapa ako noong Grade 7 ako at parang nanglilimos ng atensyon sa aking mga kaklase habang ngayon naman ay natatanggap ko na ang p

