Tinalikuran ni Vincent si Nathalie na namumutla at tulala na lamang. Namulsa siyang lumapit sa akin at inakbayan ako para igiya na paalis doon. Humagalpak si Dira at kumapit sa braso ni Vincent. “Tama ‘yung ginawa mo, Kuya! Akala niya talaga magkakagusto ka sa kanya kung babastusin niya ng gano’n si Cee. What she did is offending!” Hindi na bago sa akin ang mga ganoong eksena ngunit talagang nakakafrustrate na nasusungitan niya ang mga babae dahil kung ano ano ang sinasabi sa akin. May iba naman na friendly sa akin pero hindi talaga naiiwasan ang gano’n kahit malinaw naman sana na para lang akong kapatid kung ituring din ni Vincent. Kailangan ba talagang kadugo kami nang maniwala sila na bunsong kapatid lamang ang tingin nito sa akin? Hindi na ako nag-aaksaya ng oras sa pagpapaliwana

