“This is Eunice...” Pinakilala ni Vincent sa amin iyong babae. Nakilala niya raw ito sa Boracay. Maganda agad ang trato ni Tita sa kanya at nakipag shake hands pa gano’n din si Mama at Tito na nakangiti. Si Dira naman ay medyo kuryoso ngunit may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Pagkatapos makipagkilalay ay humiwalay rin naman agad kami lalo na’t kailangan ng pumasok sa room na kinuha ni Tita. Iyon agad ang bukambibig sa akin ni Vincent habang hindi ko naman masabi sabi na iyong babae’ng ‘yon ang nakita ko sa rave party na kahalikan ni Vincent. “Halatang pinopormahan ni Kuya.” Medyo humagikhik si Dira sa sinasabi habang abala naman ako sa aking gamit. Ngumisi ako pabalik ngunit hindi na rin nagsalita lalo na’t baka masabi ko pa iyong nakita ko. Noong lumabas kami pagkatapos magb

