Hindi naman iyon ang unang beses na makita kong nakikipaghalikan si Vincent lalo na’t noong nagkagirlfriend siya ay nakita ko ring hinahalikan siya nito sa kanyang pisngi. Ngunit iba iyong nakita ko. Malalim ang kanilang halikan at parang hindi pa mapirmi ni Vincent ang kanyang kamay na talagang gumagalaw sa likod ng babae. Namumula ako at ako pa itong nakakaramdam ng kahihiyan kahit wala naman sana akong ginagawang masama. Para bang mali na makita ko iyon. Na kasalanang makita ng inosente kong mga mata ang ganoong eksena. Hindi naman sa ayaw kong may kahalikan si Vincent ngunit para sa akin ay hindi niya naman ata iyon girlfriend. Bakit niya hinahalikan? Kung girlfriend naman, ba’t parang ang bilis bilis naman ata? Eh parang dito niya nga lang iyon nakilala. Hindi naman gano’n ma

