Pinaghandaan namin ang pagpunta sa Manila para sa pinaplano nilang outing. Sa totoo lang ay excited ako lalo na’t may posibilidad ding makita namin doon si Papa. Abala na kami sa pag-iimpake lalo na’t isang linggo rin pala ang balak nilang mamalagi roon. Wala akong masyadong dinalang gamit at sapat lamang para may magamit doon. Si Dira naman ay iniingganyo pa akong bumili raw kami ng bagong bikini ngunit alam kong wala na iyon sa budget ni Mama lalo na’t nag-iipon din siya para maka ambag din dahil nakakahiya raw kung sila lahat ang sasagot ng aming bayad. Noong sumapit ang araw na aalis na ay namamangha ako sa kabuuan ng byahe. Sumakay kami ng eroplano at iyon ang unang beses na makakasakay ako. Nasa may bintana lagi ang aking mga mata at tinitingnan ang pagliit ng kabuuan noong nas

