11

2176 Words
“H-Huh?”   Para akong nabingi sa narinig mula kay Vincent. Gusto niya ulit ng isa pang parte noong sinulat ko? Tama ba ang aking dinig o sadyang hindi ko lang masyadong narinig ng maayos?   “I said I want another part,” ulit niya sa mas malinaw na tinig sabay lingon sa akin.   “Ang ganda ‘di ba, Kuya! Tama nga ang hinala mo kay Cee! Ang galing niya!” sabi ni Dira nang sumandal siya sa headrest ng sofang inuupuan ng kanyang kapatid para silipin ang ekspresyon nito.   “She’s really good at it. ‘Yan pa eh malawak ang imagination niyan...” aniya sa makahulugang tinig kaya sumimangot agad ako lalo na’t alam ko ang kanyang tinutukoy.   “Eh isang papel lang ang usapan natin ah? At isa pa, the end na ‘yan. Hindi ko na ‘yan pwedeng dugtungan,” giit ko sabay halukipkip.   Tinupi niya ang papel at maingat na ibinulsa sa kanyang suot na sweatpants.   “Basta gusto ko pa ng isa,” parang hari niyang bigkas kaya mas lalo akong sumimangot.   “Pero ang usapan ay isang page lang, Kuya! At nagawa naman na ni Celeste ang utos mo. Enough na ‘yon,” si Dira na kampi na rin sa akin at nakatayo na ng tuwid.   Tumango ako bilang pagsang-ayon lalo na’t iyon naman talaga ang totoo. Ang sama naman ng kanyang ugali kung magdadagdag pa siya ng panibagong ipapagawa sa akin! Ayoko na nga. Eh hindi pa naman gano’n ka daling magsulat! Dapat nga ay makontento na siya sa aking gawa.   Pero bakit gusto niya pa? Nakukulangan ba siya? Ayaw niya ba sa una kong gawa? May pangit ba roon?   “Still, I want another part,” diin niya kaya nagkasalubong na ang aking kilay habang pinapanood siyang nakahalukipkip at gustong ipagpilitan ang bagay na iyon.   “Ayoko na ‘yang baguhin. Kung hindi mo gusto edi bahala ka. Basta ginawa ko ang parusa,” sabi ko sa matigas na boses.   Tumayo siya at namulsa. Napatingin ako sa kanya lalo na’t nasa akin din ang kanyang mga mata. Mabilis akong kinabahan lalo na’t naglakad pa siya patungo sa aking kinatatayuan. Lumunok ako at pinatiling matapang lalo na’t kabisado ko na si Vincent. Siguro ay aasarin niya na naman ako at balak niya lamang akong inisin! Pwes, hindi ako magpapatalo! Handa akong marinig ang sasabihin niya sa aking sulat! Sapat na iyong nagustuhan ni Dira ang ginawa ko. Sapat na ang kanyang opinyon!   Tumigil siya sa aking harapan. Doon ko napagtantong maliit talaga ako kumpara sa kanyang katangkaran lalo na’t hanggang balikat lamang ako.   “Alam ko namang pangit—“   “I actually like it so I want to read more of your written works for me...” putol niya sa aking boses na ikinaawang ng aking labi sa ere.   Kumalabog ang aking dibdib dahil sa umusbong ang kaba sa akin. H-Huh? Siguro ay pinagt-tripan niya lamang ako! Baka babawiin niya rin iyan pag nakita niyang gustong gusto ko ang kanyang pamumuri! Sa huli ay tatawa lamang siya at babawiin ang lahat ng kanyang sinabi kaya hindi dapat ako agad maniwala sa kanya!   “Sabi sa’yo, Cee!” Narinig kong hiyaw ni Dira lalo na’t hindi ko ito makita dahil inuukupa ng katawan ni Vincent ang buo kong tingin.   “Inaasar mo lang ako!” giit ko at mabilis siyang sinamaan ng tingin.   “Dira and I both like it. Parehas kami ng opinyon. Kung naniniwala ka sa kanya ay dapat naniniwala ka rin sa’kin,” paliwanag niya sa kalmadong boses.   “Eh iba naman si Dira. Hindi siya katulad mo,” sabi ko habang hindi pa rin humuhupa ang pagkakasalubonh ng aking kilay.   Bumuntong siya ng hininga at ginalaw ang aking buhok.   “Silly. I said I like it. I want to read more so continue to write. Who knows... You might get famous soon. At least I was first to notice your skill...” Ngumisi siya ng mayabang kaya umismid ako.   “Hindi naman ‘yan mangyayari. Inuuto mo lang ako para makapagsulat ulit. Hindi ko na ‘yan babaguhin,” matapang kong sabi.   “I am not saying you need to change it. I said I just want to read more of your written works. Kahit ano...”   Unti-unting kumalma ang aking ekspresyon. Wala akong maisip na dahilan para roon ngunit baka gusto niyang mapagod ako kakasulat tapos ipang aasar niya iyon sa akin? Pwede rin namang ganoon lalo na’t masama pa naman ang ugali nito!   “Pag-iisipan ko!” sabi ko.   Ngumisi siya at tinapik ang aking ulo.   “That’s my little princess...” aniya sa malalim na tinig at nilagpasan din ako ng tuluyan.   Natigilan ako sa aking kinatatayuan at sinundan na lamang ito ng tingin. Sumipol sipol siya paakyat. Lito naman kaming nagkatinginan ni Dira lalo na’t hindi rin talaga namin ma gets ang takbo ng utak ng kanyang kapatid.   Ayoko sanang seryosohin ang sinabi ni Vincent ngunit kinagabihan ay muli kong nahanap ang aking sarili sa may mesa habang may blangkong papel sa aking harap at may hawak akong ballpen.   Balak ko ulit subukang magsulat ng panibagong fantasy. Baka kasi ay nainspire lamang ako noong nakaraang araw na gawing miserable ang kalagayan ni Vincent sa aking ginawang nobela kaya nakapagsulat ako kaya gusto ko namang mag-isip ng iba ngayon.   What if iyong iba naman? Hindi naman siya bampira? Hmm? Paano kung Prinsepe siya at naghahanap ng kanyang Prinsesa? Suplado, masama ang ugali, at nakakasindak kaya hirap siyang makahanap ng babaeng para sa kanya?   Nagsimula ulit akong magsulat. Pinangalanan ko ng Lady Yumi ang prinsesang makakatiis ng kanyang ugali. Hindi ako ganoon ka galing kaya sa huli ay iniwan din siya ng Prinsesa at napunta ito sa ibang prinsepe. Humagikhik ako habang iniisip ang mararamdaman ni Vincent kung nalaman niyang nakapagsulat ulit ako at wala na naman siyang happy ending kahit siya naman ang bida.   Muli akong nadatnan ni Mama na ganoon kaya nagtaka na siya sa aking pinagkakaabalahan. Ang sabi ko lamang ay napagkatuwaan namin nila Kuya Vincent na magsulat ng kung ano ano kaya pinalampas niya rin naman at hindi na binasa ang aking gawa.   “Hindi kana nakikipaglaro sa amin. Madalas ka raw roon sa malaking bahay. Hindi ba nakakatakot doon?” tanong ni Rina nang lumabas ako kinabukasan.   “Hindi naman. Hindi naman ata sila mga bampira roon. Baka imahinasyon ko lang din,” sabi ko na ikinakurap niya.   Ilang sandali lamang ay nagsidatingan na sina Janna at Arih. Humalukipkip agad si Janna sa aking harap.   “‘Yung magandang babae na kasama mo noong nakaraan ay nakatira raw sa malaking bahay. Akala ko ba mga aswang sila roon?” tanong niya habang magkasalubong ang kilay.   Kinamot ko ang aking batok lalo na’t hindi ko pa naipapaliwanag sa kanila ng maayos na haka haka ko lamang ang lahat ng iyon, na mali ang iniisip ko sa pamilyang Herrera.   “Mga tao pala sila... Hindi sila aswang,” sabi ko habang ngumingiwi.   “Ano ba ‘yan, Celeste! Ayan tuloy nadamay kami sa kalokohan mo! Baka magalit na rin sila sa amin!” Sumimangot si Arih sa akin.   “Hayaan niyo na... Sasabihan ko nalang si Kuya Vincent na humihingi kayo ng tawad,” sabi ko.   “Dalhin mo nalang kami roon para makahingi kami ng tawad sa personal! Eh gusto pa naman naming makalaro rin iyong kaibigan mong maganda. Kaso nakakahiya dahil parang ayaw sa amin,” si Janna.   “Mukha naman siyang mabait,” pagtatanggol agad ni Rina sa mahinhing boses.   Tumango ako lalo na’t mabait naman talaga si Dira.   “Sa susunod na araw ay mas ipapakilala ko kayo ng maayos sa kanila,” sabi ko na ikinatango agad nila.   “Sige! Para doon na rin kami makapaglaro sa malaking bahay! Eh nakakainggit ka. Pansin namin ang dami mong magagandang damit! Katulad noong sinusuot noong magandang babae,” ani Janna habang may tabang sa boses.   “Binibigyan niya lang naman ako. Hindi ko naman ‘yon hinihingi,” sabi ko.   “Mayaman kasi siya kaya sigurado akong marami siyang damit na hindi ginagamit kaya binibigay niya nalang sa’yo,” si Arih naman.   Tumango ako lalo na’t iyon din naman ang totoo. Maraming damit si Indira na hindi niya na nagagamit ang iba dahil palagi siyang binibilhan ng bago ng kanyang parents. Uuwi raw sila sa susunod na buwan kaya medyo nahihiya akong tumambay roon dahil naroon na ang kanyang parents.   Kina Rina ako nakipaglaro sa araw na iyon lalo na’t nagtatampo na rin sila sa akin dahil lagi na lamang akong wala at madalas pang si Dira ang aking kalaro. Makakasundo rin naman nila si Dira lalo na’t friendly naman iyon. Iyon nga lang ay mahirap maging kasundo si Vincent lalo na’t ang alam lamang noon ay ang mang-asar.   Kaso hindi pa alam ni Dira na ako iyong taga baryo na tinutukoy ni Vincent. At hindi niya rin alam na iyong mga kaibigan ko ang tinutukoy ng kapatid niya na masamang bata. Pag nalaman niya iyon ay baka magalit siya sa akin, sa amin. Siguro ay ipagpapaliban ko nalang muna ang pagpapapunta sa kanilang tatlo roon at maghahanap muna ako ng tyempo na ipagtapat ang totoo kay Dira.   Hindi ko masabi sabi sa kanya lalo na’t masyado na rin kaming malapit sa isa’t isa at ayokong magalit siya sa akin. Ngunit hindi ko naman pwedeng ilihim sa kanya ang totoo. Ano kayang pwede kong gawin? Eh nakakapagtaka at hindi rin sinasabi ni Vincent kay Dira. Baka naman totoo talaga ang aking iniisip na may pinaplano siya.   Bigla akong may naisip na plano kinagabihan. Kaya noong dumating ay umaga ay naligo agad ako at nagbihis para dumeritso na sa kanilang bahay.   Habang naliligo si Dira ay tumambay ako sa sala para matyempuhan ang pagbaba ni Vincent lalo na’t alas nuebe siya ng umaga gumigising at dumederitso agad sa kusina para uminom ng tubig.   Nang matanaw ko itong pababa ng hagdan ay mabilis akong tumayo sa sofa. Naka puting tshirt ito at medyo gusot iyon katulad ng kanyang buhaghag na buhok habang naniningkit na naman ang kanyang mga mata at halatang kakagising lamang.   Natanaw niya agad ako. Humakbang ako papalapit sa kanya dala ang papel na natapos ko kagabi. Iyon agad ang napansin niya noong tumigil siya sa aking harapan nang tuluyang makababa.   “Wow? Did you spend all your time yesterday writing it?” tanong niya sa paos na tinig at inilahad sa akin ang kanyang palad.   Itinago ko agad iyon sa aking likuran lalo na’t kailangan ko munang manigurado.   “May kondisyon ako bago ko ito ibibigay sa’yo,” sabi ko.   Halata sa kanyang tingin ang pagiging interesado lalo na’t umangat pa ang kanyang kilay.   “What is it?” tanong niya at ibinulsa ang kamay.   Tumitig ako sa kanya sa seryosong paraan. Kailangan ko itong gawin para hindi masira ang friendship namin ni Dira. Kailangan ko ang kanyang tulong.   “Gusto kong itanggi mo kay Dira na hindi ako ‘yung tinutukoy mo,” desperada kong sabi.   “You mean... You want me to lie?” ulit niya.   Tumango agad ako lalo na’t iyon naman talaga ang kanyang gagawin. Pero hindi naman iyon pagsisinungaling, ah? Ililihim niya lang naman na ako ang batang iyon ngunit hindi niya sasabihin na ako pala.   “Ang gusto ko lang ay hindi malaman ni Dira na ako ‘yon. Ayokong masira ang friendship namin,” giit ko.   Medyo nagkasalubong ang kanyang kilay at kalaunan ay umiling siya.   “You’ll get yourself into trouble if you’re not honest, you know...”   “Eh ayokong mag-away kami!” sabi ko habang naf-frustrate.   Humalukipkip siya at seryoso ang mukha. Seryoso rin ang akin lalo na’t hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya.   “Gusto mong pagtakpan kita? Isn’t it what I’m doing? She doesn’t know every bit of it. At isa pa, kung sakali mang nalaman niya ay sigurado akong matatawa lang ‘yon sa’yo. Just tell her the truth.”   “Ayoko!” Umiling ako ng marahas lalo na’t alam kong mag-aaway kami.   Bumuntong siya ng hininga at natampal ang noo.   “Give me the paper...” utos niya.   “Ayoko. Sabihin mo munang tutulungan mo ako. Sabihin mong hindi mo sasabihin kay Dira na ako ang batang tinutukoy mo sa baryo na masama ang ugali,” matigas kong sabi.   Binasa niya ang labi at itinagilid ang ulo para tingnan ako sa malalim na paraan.   “I’ll keep your secret once you keep on writing...”   Iyon lang naman pala edi madali lang! Tumango agad ako at dahan dahang ibinigay sa kanya ang hawak kong papel. Madali lamang naman ang magsulat kaya kaya ko iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD