12

2091 Words
 Thinking about the reason why I got inclined from writing made me looked back from the past. Dahil iyon kay Vincent. It was a blackmail from the start. Gusto niyang magsulat ako habang pinagtatakpan niya ako kay Dira. Hindi ko alam ang totoong rason kung bakit nawiwili siya sa kakabasa ng aking gawa ngunit pinagbibigyan ko rin ang kanyang hiling lalo na't may kasunduan kami.   "Napapadalas ata ang pagsusulat mo, Celeste?" puna ni Mama nang madatnan akong muli sa mesa na seryosong nagsusulat.   "May deal po kami ni Kuya Vincent," sabi ko habang tinutupi na iyon para itago kay Mama at baka maisipan niyang basahin.   "Anong klaseng deal naman?" aniya habang inilalapag ang ulam na dala sa mesa.   "Laro lang po namin, Mama," sabi ko lalo na't hindi ko naman pwedeng sabihin na pinagtatakpan ako nito sa kasalanang ginawa ko kay Vincent noon at hindi iyon pwedeng makarating kay Dira.   Alam kong mabait naman si Dira sa akin pero ayoko lang magbago ang tingin niya lalo na't ayaw niya sa masasamang bata sa baryo. Kung nalaman niyang ako pa ang pasimuno ay baka lumayo siya sa akin at ayaw niya ng makipagkaibigan sa'kin.   Masama ba itong ginagawa ko? Ayoko lang namang mawalan ng kaibigan. 'Tsaka hindi naman ito pagsisinungaling! Eh wala namang alam si Dira kaya pwede ko lang itago. Hindi niya naman ako kinumpronta at itinanggi ko. Iyon ang pagsisinungaling. Secret lang naman ito. Eh lahat naman may secret.   Araw araw akong nagbibigay ng papel kay Vincent laman ang aking sulat gabi gabi. Nangungulit naman sina Janna kung kailan pupunta sa malaking bahay para makausap nila si Vincent at makahingi ng tawad.   "Sinabihan ko na. Ang sabi niya ay pinapatawad niya na raw kayong tatlo," paliwanag ko nang matigil sila sa kakakulit.   "Talaga? Eh anong sabi ni Indira? Hindi ba siya nagalit sa amin? Gusto niya na ba kaming maging kaibigan?" si Rina sa nangingislap na mga mata.   "Medyo nagulat siya. Pero mabait naman 'yon kya napatawad niya na rin agad kayo," deklara ko at ngumiti sa tatlo.   Unti-unting naibsan ang pangamba ni Arih lalo na't pumaskil pa sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nag-iwas naman ako ng tingin at iniisip ang kanilang mararamdaman sa oras na nalamang hindi pa talaga alam ni Dira ang tungkol dito. Magagalit ba sila sa akin? Baka ayaw na rin nila akong maging kaibigan pag nalamang nagsisinungaling ako.   Hindi ko alam kung paano lulusutan ang nangyayari. Kaya sa tuwing nasa bahay ng mga Herrera ay nahuhuli pa ni Vincent ang aking paghihimutok. Bigla niyang tinusok ang aking pisngi habang mag-isa akong nakaupo sa hardin at hinihintay ang pagbaba ni Dira lalo na't may pinaplano na naman itong lalaruin namin.   "Kulang nalang nakasabit na kaldero lalo na't masyado kang nakabusangot," aniya na ikinasimangot ko lalo.   "Kinausap ko ang friends ko," panimula ko.   Humilig siya sa mesa habang nasa akin ang mga mata.   "And?"   "Ayon... medyo nag-imbento ako. Sinabi kong alam na ni Dira at pinapatawad niya na sila. Baka mawalan ako ng friends pag nalaman nilang nagsisinungaling ako," sabi ko at humalukipkip.   "Exactly. Sino bang gusto ng sinungaling na kaibigan?"   Napatingin ako kay Vincent sa iritadong paraan ngunit naglalaro na ang kaba sa akin. Tama naman ang sinasabi niya. May tsansang mawalan nga ako ng kaibigan at ang worst pa ay baka silang lahat dahil pangit ang aking ugali.   Problemado akong bumuga ng hangin at muling dinukot ang tinatagong papel sa aking bestida para ibigay iyon sa kanya. Sa dami ng aking iniisip ay nakalimutan kong ibigay ng maaga.   Saktong dumating si Dira at nakita ang aking ginawa. May dala siyang panibagong box at nakasuot ng pulang dress. Para siyang prinsesa habang naka pigtail pa ang kanyang buhok, taliwas sa buhaghag kong buhok na siya lang din ang nagsusuklay at nag-aayos.   "Huh? Continue pa rin ba ang punishment mo kay Kuya?" takang tanong ni Dira nang inilapag niya ang box at mabilis na sinamaan ng tingin ang kapatid. "Are you blackmailing her, Kuya?!"   Nagkibit si Vincent at isinilid sa kanyang bulsa ang papel. Tumayo siya at ginulo ang aking buhok.   "Baliktad nga eh..." Sabay ngisi sa akin ng makahulugan at tumalikod din habang winagayway ang kamay para umalis.   Dira glared at him. Sumimangot naman ako. Baka ma gets ni Dira 'yon!   "Baliw talaga si Kuya. Malapit na sana siyan mag fifteen pero mukhang hindi pa siya fully ready maging mature." Naiiling niyang sabi at binuksan ang box.   "Kailan ang birthday niya?" tanong ko.   "This May 24. You're invited! Pwede mo ring dalhin ang friends mo since Kuya's throwing a party. I'm not close with his friends kaya mabuting marami tayo," aniya na medyo ikinahilaw ng aking ngiti.   "Sige... Sasabihan ko sila..." sabi ko kahit lumulutang na naman ang kaba sa akin.   Matagal pa naman ang birthday ni Vincent. Isang buwan pa bago ang May 24. Hindi ko muna iyon aalahanin lalo na't hindi ko na rin alam kung paano ipapaliwanag sa friends ko ang lahat.   Kahit bago matulog ay iyon ang laman ng aking isip. Baka ito na ‘yong sinasabing karma ni Mama? Na pag naging masama ka sa iyong kapwa ay dadalawin kana lagi ng konsensya at hirap kanang matulog. Pag hindi ka agad humingi ng tawad at hindi mo itinama ay palagi mo iyong mararanasan.   Nakakafrustrate! Mukha naman kasing vampire si Vincent! At ewan ko ba kung bakit nagdala pa ako ng friends para makisali sa aking trip! Eh may sabi sabi rin naman kasi sa baryo na may kakaiba sa pamilya nila. S’yempre hindi kami sanay sa pamumuhay ng mayayaman kaya wala talaga kaming ideya na ganoon pala ang nangyayari. Kung alam ko lang na dadating sa ganitong punto ay hindi na lamang ako nangahas na pumasok doon.   “Celeste...” May umalog sa akin sanhi para unti-unti akong magising.   Nagulat ako nang makitang natulugan ko ang aking tinitipa sa laptop. Mabilis kong binangon ang ulo at inayos ang aking salaming suot.   “Hindi ko pa tapos ang tinatype ko!” reklamo ko at natatarantang ini-on ang screen para muling mabuhay iyon.   Naramdaman ko agad ang titig ni Daniel, ang aking boyfriend, na nakahalukipkip na pala sa gilid. Natigilan ako nang mapagtantong siya pala ang gumising sa akin.   Tiningnan ko ang oras. It’s already twelve. Hatinggabi na ah? Medyo naaamoy ko sa kanya ang alak at mukhang lumabas ito para makipag-inuman sa kanyang friends.   “I came here to checked on you and this is what I’ll see? Nagpapahinga ka pa ba? You’re not even sleeping well! Tingnan mo nga ‘yang eyebags sa mata mo!” pagalit niyang bigkas habang mariin ang titig sa akin.   Kinagat ko ang aking labi at sinimulang pindutin ang laptop lalo na’t bumalandra na ang naiwan kong gawa.   “May hinahabol lang akong deadline... Gusto ko kasing tapusin agad...” Saka ko kinagat ang labi lalo na’t ayoko namang malaman niyang may plano ako. I want to spend time with him kaya ko ito minamadali. Kung pwedeng utangin ko ang iilang pahinga para magsulat ay gagawin ko.   Daniel scoffed in disbelief while shaking his head. Ramdam ko ang kanyang pagkakadismaya.   “You’re not spending time with me. Girlfriend pa ba kita, Celeste? Maglilimang taon na tayo pero nakakawalang gana kana,” he said in a bitter tone.   Naantala ang aking pagtitipa sa naririnig. Bumaling ako sa kanya. Nailing siyang sinuklay ang buhok paatras. Magulo iyon at basa rin ang kanyang labi kakabasa niya. I sighed and close my laptop so I can talk to him properly. Lalo na’t pakiramdam ko kung nagsulat pa ako ay mas magagalit na siya.   “This is my work, Daniel... Please... Have patience with me...” Sumimangot ako.   Naiiling siyang tumingin sa akin. “Ilang taon ko na ‘yang pinagtitiisan. Hanggang kailan ako magtitiis? I am telling you to find a job pero gustong gusto mo talaga riyan. You’re spending your time too much on it at nakakalimutan mo na ako!” he spat.   Lumunok ako sa kanyang galit. Ilang araw na kaming ganito at nakakapagod na. Pagod na akong makipagtalo. Pagod na akong ipaliwanag sa kanya kung gaano ko kagusto ang pagsusulat. Pagod na akong hintayin na maiintindihan niya rin ito balang araw. Nakakapagod na...   “Quit it, Celeste,” he demand.   Namilog ang aling mga mata. Mabilis akong umiling. Hindi. Hinding hindi ko ito bibitiwan. This is my comfort zone. This is where I like to work. Ito lamang ang naiisip kong trabaho na komportable sa akin. Hindi ko ito pwedeng talikuran nalang bigla!   “Are you willing to choose it instead of saving our relationship? We’re sinking!” Nagtatagis na ang kanyang bagang kaya napatayo ako para lapitan siya.   “I’ll... I’ll fix my schedule, I promise! Please... Let’s not fight about it, Daniel. I love what I’m doing!” May luha ng nagbabadya sa aking mga mata.   “Iyan ang sisira sa ating dalawa,” giit niya sa nagbabagang tingin.   Hinaplos ko ang kanyan pisngi. Iniwas niya ang mga mata habang sinisikap kong ikubli ang mga luha na huwag tumulo.   “I’m sorry... I’ll try to fix this, I promise...” I said just to calm him down.   Pumikit siya at hinilot ang sentido. Niyakap ko siya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. He sighed heavily. Ipinulupot niya ang kamay sa aking baywang at hinagkan ang aking ulo.   “I’ll give you a chance to fix it. I want to spend time with you, Celeste. I miss you so much. Pakiramdam ko ay ang layo layo mo na sa akin,” bulong niya na ikinalunok ko lalo na’t alam kong totoo iyon.   Lagi akong tutok sa pagsusulat. Naroon lagi ang buo kong atensyon. I need to work hard since may mga binabayaran kami kaya marami akong tinatanggap na offer para makadagdag sa aking kita. Kaya ko naman iyon kaso sa mga nagdaang araw ay sobrang busy ko talaga lalo na’t marami rami na rin ang aking sinusulat. Hindi na rin sakto ang aking tulog kaya sa tuwing naiimbitahan niya ako ay nauuwi sa pagtatalo lalo na’t masyado pa akong inaantok.   Bigo akong tumango at ayaw na lamang makipagtalo. Bumuntong ng hininga si Daniel at inilayo ako ng bahagya para makita ang aking ekspresyon. He smiled at me. Naibsan ng kaonti ang bigat ng aking pakiramdam nang makita iyon lalo na’t ilang araw niya na ring ipinagkakait ang munti niyang ngiti dahil madalas na kaming mag-away. Seeing his smile gives me comfort.   Yumuko siya at pinatakan ako ng halik. He kissed me tenderly. Pumikit ako at humalik pabalik. Nalasahan ko agad ang alak sa kanyang bibig. He deepened our kiss. Bago pa kami umabot sa kung ano ay tumigil na ako.   Kailanman ay hindi kami umabot sa mas malalim pa maliban sa mainit na halikan. Hanggang doon lamang kami lagi. Hindi ko alam kung paano niya napagtitiisan pero sigurado akong may mga araw na gusto niyang mangyari kaso ayaw niya rin akong pilitin.   Daniel respects me with those things. Alam niyang ayoko pa at hindi pa ako handa. Ayoko rin ng biglang responsibilidad kung sakaling magbunga man agad. Gusto ko lamang iyong iwasan lalo na’t marami pa akong gustong gawin ay sinusulit ko pa ang aming relasyon. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi niya nababanggit ang ganoong bagay sa akin dahil ayoko ring madismaya siya kung sakaling malaman niyang wala pa talaga iyon sa aking isipan.   “One more, please...” he whispered and kissed me again.   Pinagbigyan ko ang kanyang gusto at humalik pabalik. Gusto kong bumawi kahit papaano. He deepened his kiss again. Ngunit nang tinigil ko rin agad ay bumuntong na lamang siya ng hininga.   “Ayaw mo pa rin ba?” he whispered with a sleepy eyes.   Hilaw ang aking ngiti habang nakikipagtitigan sa kanya.   “Makakahintay ka pa ba?” I asked.   Pumikit siya at binasa ang labi. Hinagkan niya ang aking noo. Bumaba muli ang kanyang halik at dinampian ako sa labi. He sighed again.   “I will never force you, you know that... I respect your decision.”   Ngumiti ako lalo na’t alam ko rin naman ang bagay na iyon. Niyakap niya ako. Yumakap ako pabalik habang nilalanghap ang kanyang bango.   “Mag-iipon pa tayo sa ating kasal, Daniel... Kasali iyon sa pinag-iipunan ko,” I whispered, hindi alam kung nakarating ba sa kanyang tinig pero nananalangin na sana ay narinig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD