13

2043 Words
"Para saan ang magandang dress na 'to, Dira?" tanong ko habang pinapasukat niya ang isang puting dress.  Naiiba ito sa lahat ng kanyang binibigay sa akin. Parang nakakahiyang suotin kung hindi ka mabango at maganda sa sobra nitong ganda. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ito babagay sa akin kung hindi ako mag-aayos ng husto dahil masisira ko lamang ang damit.  "For Kuya's birthday. Malapit na rin 'yon kaya mas mabuti kung may masusuot kana."  Namilog agad ang aking mga mata nang maalala ang birthday ni Vincent. Ilang araw pa naman ang kailangang hintayin pero kinakabahan agad ako.  Itinago ko ang dress na iyon lalo habang nagiging abala naman ang mga katulong sa kanilang bahay lalo na't balita ko ay uuwi raw ang kanilang parents para sa birthday ni Vincent. Nakikita ko sila sa pictures at sobrang ganda ng kanyang Mommy kaya bigla bigla akong nahihiyang makihalubilo sa kanila.  Nagmana si Vincent sa kanyang Daddy habang si Dira naman ay halatang mana sa kanyang Mommy. Inosenteng tingnan ang kanyang ina at bagsak na bagsak ang itim na buhok habang seryoso namang tingnan ang aking Daddy at talagang kamukhang kamukha ni Vincent. Siguro pag lumaki si Vincent ay magiging kamukha niya rin ang kanyang ama.  "Ito ba si Celeste?" Ngumiti ang pamilyar sa akin na babae nang dumating ako sa kanilang bahay ilang araw ang makaraan.  Nagulat ako nang makitang Mommy iyon ni Dira. Nakasuot ito ng eleganteng damit at nakatali ang mahabang buhok habang litaw na litaw ang kanyang kaputian na kahit hindi ako gano'n ka lapit sa kanya ay amoy na amoy ko siya.  "Yes, Mommy..." si Dira na ngumingiti.  "H-Hello po..." nahihiya kong sambit.  Humagikhik ang kanyang Mommy at sinenyasan akong lumapit. Ngumuso ako at dahan dahang naglakad. Nagawa ko pang amuyin ang aking sarili at baka mabaho ako.  "Hi hija! Ang ganda mong bata!" aniya at niyakap ako.  Namilog ang aking mga mata habang nakatingin kay Dira. May problema ba sa mata ang kanyang ina at nagagandahan ito sa akin?  "M-Mabaho po ako," reklamo ko lalo na't baka dumikit ang amoy araw kong amoy sa kanya.  Tumawa siya at mas lalong nawili sa akin lalo na't pinisil niya pa ang aking pisngi. Humagikgik naman si Dira habang namumula ako. Natanaw ko ang pagbaba ni Vincent sa hagdan habang namumulsa at seryosong kausap ang isang pamilyar din na lalake.  Namilog agad ang aking mga mata lalo na't ang gwapo ng kanyang ama sa personal. Matangkad ito at makisig. Naaalala ko bigla iyong binabasa ko sa mga libro ni Dira at parang nasa kanya ang description. Masyado siyang manly at napaka perpektong tingnan.  "Nakilala mo na ba itong ampon namin ni Dira rito, Ma?" biglang sulpot ni Vincent sa aking tabi at nagawa pang pisilin ang aking pisngi.  "Aray!" hiyaw ko at sinimangutan ito ngunit nang mapansing nasa akin na rin pala ang tingin ng kanyang ama ay nahihiya akong yumuko.  Tumawa ang kanyang Mommy sa sinabi ni Vincent habang ngumingiti naman ang kanyang ama sa akin. Lumunok ako at tinubuan ng kaba dahil sa kanilang paninitig sa akin. Inakbayan naman ako ni Vincent habang hawak niya ang aking ulo.  "Dad, this is Celeste..." ani Vincent. "Our little princess..."  Ngumuso ako at namula sa paraan ng pagpapakilala niya sa akin. Gano'n ang hilig niyang tawag ngunit alam ko namang pang-asar niya lang 'yon para mainis ako.  "Hello, little girl..." bati ng kanyang ama kaya mabilis akong nag-angat ng tingin para matingnan ito.  "Hello po!" may galak kong bati na ikinatawa nila.  "She's so adorable, hon... I wanna adopt her and turn her into our own child!" Natatawang sabi ng kanyang ina.  Ngumisi si Dira sa akin habang si Vincent ay hindi pa rin ako binibitiwan. Kagat kagat ko ang nakangiti kong labi lalo na't ramdam kong gusto ako ng kanyang parents. Noong nakahanda na ang malaking lamesa sa kanilang hardin ay kasama pa nila akong kumain.  "How old are you? Ka-edad mo raw itong unica-hija naming si Indira..." si Tito. "Ten years old na po ako at this year po ako mag e-eleven..." pahayag ko.  "When? So we can throw you a party, too," ani Tita na ikinagulat ko.  "Huwag na po! Nakakahiya! 'Tsaka sa November pa naman po. Malayo pa," sabi ko.  "Sa araw ng mga patay?" Ngumisi si Vincent sa nang-aasar na paraan.  "It's November three, Kuya!" si Indira ang sumagot at matalim na tiningnan ang kapatid dahil balak na naman akong asarin.  "Hmm... Malayo pa nga. I will not forget it so you and Indira can celebrate somewhere. Maybe in Disneyland?" ani Tita na ikinalaki ng aking mga mata.  Ang mahal no'n ah! Umiling agad ako habang si Indira naman ay ganadong tumatango. Si Vincent lamang ang walang pake at hindi rin tutol dahil nakikinig lamang ito habang abala sa paghiwa ng steak.  "Huwag na po," sabi ko lalo na't masyado na iyong mahal.  "It's just a piece of cake, hija," ani Tito na ikinakagat ko ang sa aking labi.  Nagthumbs up pa si Dira sa akin habang ako itong hindi na alam kung ano ang mararamdaman sa napaka enggrande nilang plano para sa aking birrhday na malayo pa naman sana. Ganito ba talaga ka bait ang parents niya? Anong nagawa kong kabutihan? Masyado naman ata itong malaking bagay. Hindi talaga bigdeal sa kanila ang pera at malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto nang hindi nam-mroblema sa bagay na iyon.  Nalihis din naman ang topic at napunta sa magiging birthday ni Vincent lalo na't ilang linggo nalang ay kaarawan niya na. Nabanggit niya ring inimbitahan niya lahat ng kanyang friends at schoolmates. Dito gaganapin sa kanilang bahay ang enggrandeng birthday party niya kaya rin umuwi ang kanyang parents para doon.  "Ang regalo mo ha. I will not let you in if you don't have a gift for me," ani Vincent pagkatapos naming kumain.  "Huh? Eh wala nga akong pera! At ano namang ibibigay ko sa'yo eh marami ka naman ng gamit," giit ko lalo na't nasilip ko noon ang kanyang kuwarto at talagang kompleto siya sa mamahaling gamit.  "Anything. Huwag kang madamot." Saka ginulo ang aking buhok.  Iritado ko siyang itinulak at sumunod agad kay Dira lalo na't balak pa naming buksan ang binigay ng pasalubong ng kanyang parents sa aming dalawa. Sa sobrang daming box sa kanyang kama ay hindi ko na alam kung alin ang unang bubuksan.  "Ang daming chocolates!" sabi ko nang iyong box na kulay puti ang binuksan ko.  "I think this is for you," si Dira na inilahad sa akin ang magandang sling bag.  Kinuha ko iyon at agad na nalaglag ang aking panga. Masyado iyong maganda at kulay pink pa. Agaran ko iyong sinuot at tumayo para tingnan ang aking sarili sa malaking salamin ni Dira.  "Ang ganda..." bigkas ko.  Humagikhik si Dira habang nagpapatuloy siya sa pagbubukas. Tumulong din ako at binuksan iyong ilang box. May mga dress at shoes kaming nakita. May kanya kanya iyong pangalan kaya hindi kami nahihirapang mamili.  "Sakto lang sa'kin!" anunsyo ko nang sinukat ang sapatos.  "Try this one, too..." Saka niya ibinigay ang isang doll shoes.  Kulay baby pink iyon kaya mabilis ko ring sinukat para tingnan ulit sa salamin. Manghang mangha ako sa lahat ng kanilang bigay. Sa sobrang rami ay hindi ko na alam kung madadala ko ba iyong lahat sa bahay lalo na't mukhang magiging bundok pa iyon pag tinangka kong bitbitin lahat.  Naisip ko naman bigla ang sinabi ni Vincent kanina.  "Ano bang gusto ni Kuya Vincent?" biglaan kong tanong habang abala pa si Dira sa kakabukas lalo na't may lima pang box ang naiiwan.  "Hmm... Hindi ko masyadong alam pero hindi naman maarte si Kuya."  Naging marahan ang aking tango. Ano bang pwede kong ibigay sa kanya? Eh sanay pa naman 'yon sa mamahalin. Pati sa bahay ay iyon na rin ang aking iniisip na nadatnan pa ako ni Mama na tulala sa kawalan.  "Ano ang mga 'yan Celeste? Ba't ang dami daming gamit? At chocolates?" Nagugulat na tanong ni Mama nang makita ang bundok bundok na gamit sa mesa na hindi ko pa naipapasok sa kuwarto.  Hinatid ako kanina ng kotse nila Dira para lamang hindi ako mahirapang dalhin ang mga bigay na gamit. Bago umuwi ay nagpasalamat pa ako sa kanyang parents at inaasahan agad nila akong bumalik ulit bukas. S'yempre pumayag din ako lalo na't wala naman si Mama sa bahay lagi lalo na't abala siya sa pagtatrabaho kaya malaya rin akong nakakagala.  "Ah... Dumating na po 'yung parents ni Dira. Pasalubong po ng Mommy niya," sabi ko.  "Huh? Talaga? Ang dami naman! At mukhang mamahalin pa lahat! Mga imported oh..." ani Mama nang isa isa niyang silipin ang iba.  "Masarap 'yong chocolates, Mama. Tikman mo," sabi ko. Kumuha siya ng isa at binuksan iyon. Napangiti agad siya at kumuha agad ng marami.  “Ang sarap naman nito! Nako, pakisabi salamat. Nagpasalamat ka naman ba? Baka hindi, ah! Nakakahiya Celeste!” Pinandilatan ako ng mga mata ni Mama.  “Opo! Eh ang bait bait nila sa akin...”  “Ang bait bait tapos tinapunan mo ng bawang ang kanilang panganay at pinagbintangang bampira.” Naiiling niyang sabi habang hinahanda na ang mesa para sa aming dinner.  Naalala ko tuloy ulit ang kasunduan namin ni Vincent. Hindi pa ako nakakapagsulat lalo na’t abala rin ang aking isipan sa pag-iisip ng pwedeng iregalo sa kanya. Ngunit nang mabanggit din ang nagawa ko, naiisip ko na naman ang inimbento kong kasinungalingan kina Janna. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakakausap tungkol doon lalo na’t madalas din ako kina Dira. Baka nga ay nagtatampo na ang mga iyon sa akin...  “Mama... Ano ba ang pwedeng iregalo? Malapit na kasi ang birthday ni Vincent, eh,” sabi ko habang nasa gitna na kami ng pagkain. “Oh ganoon ba? Maghanap ka nalang kaya sa bayan. Bibigyan kita ng pera at pwede tayong bumili roon,” suhestyon ni Mama.  “Talaga po? Osige, Mama!”  Iyon ang pinagkaabahalan ko sa sumunod na araw. Marami akong nakikitang kaaya aya sa bangketa ngunit hindi ko naman alam kung anong bibilhin para kay Vincent. Nakita ko ang isang maliit na stuff toy at isa itong bampira. Naisip ko agad si Vincent kaya dinampot ko iyon at tiningnan ng maigi.  “150 lang ‘yan, hija...”  “Po? Hindi po 100?” Nagkamot ako ng batok lalo na’t nangako ako kay Mama na hindi ko uubusin ang bigay niyang 200 kahit sinabi niyang ayos lang naman.  “Magkano ba ang budget mo? 130, hija...”  Ngumuso ako at muli iyong tinitigan. Ayos na siguro ang 130. Pumayag agad ako at ibinigay ang aking pera. Binalot niya naman iyon sa cellophane saka ako nagpasyang bumili rin ng pambalot na may nakalagay na happy birthday at inilagay iyon doon.  Pagkauwi ay nagsulat agad ako ng letter para doon din sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya na alam kong hindi ko masasabi sa personal dahil aasarin niya lamang ako. Itinago ko iyon sa aking kuwarto at nagpasya ring lumabas para pumunta ulit sa kanilang bahay.  Patungo na ako roon nang mapansin ako nila Janna. Mabilis silang tumakbo patungo sa akin kaya medyo bumagal ang aking paglalakad at nagsisimula na naman akong kabahan.  “Balita namin dumating na raw ang kanilang parents. Nakita mo ba sa personal? Ang ganda ba ng Mommy ni Indira?” si Rina na nakukuryoso.  “May chocolates ba? Nakita ko kahapon na hinatid ka ng kanilng kotse at ang dami dami mong dala lalo na’t tinulungan ka pa ng driver sa pagpapasok noon sa inyong bahay,” si Arih naman.  “Mababait ba ang parents niya? Nakakatakot ang Daddy nila?” si Janna ulit.  “Ah... Oo... Uhm... Mababait naman. Teka marami akong chocolates sa bahay! Bibigyan ko kayo! Halikayo!” sabi ko at tumakbo pauwi.  Sumunod naman agad sila at pumasok sa aming bahay. Pinaghintay ko sila sa may mesa habang nakaupo sila roon at kinuha ko ang box na puno ng chocolates. “Heto... Mamili lang kayo ng kahit anong gusto niyo...” sabi ko nang ilagay ko sa kanilang harap ang box.  Namilog agad ang kanilang mga mata at parang iyon ang unang beses na makakita sila ng gano’n ka raming chocolates.  “Ang swerte swerte mo naman, Celeste!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD