14

2132 Words
Dumating din naman ang kaarawan ni Vincent. Sa sobrang bongga ng pagkakadesinyo sa kanilang bahay ay halos malaglag na ang aking panga sa sobrang ganda.  Sinuot ko ang bigay ni Indira sa akin. May mga pumunta pa sa kanilang bahay na make-up artist at hair stylist para ayusan kaming dalawa ni Dira.  Nakalugay lamang ang aking buhok na may hairpin na kumikinang sa bawat gilid dahil sa mga batong palamuti nito habang kapansin pansin naman ang alon sa dulo ng aking buhok. Nakalugay ang buhok ni Dira at may suot siyang magandang hairband crown kaya nagmumukha talaga siyang totoong prinsesa idagdag pa ang kanyang suot.  Kumikislap ang open space ng kanilang bahay lalo na’t iyon ang ginawang venue. May mga tables at iilang bisita na ang dumadating sakay sa isang kotse.  Naka champagne dress si Tita habang naka tux naman si Tito ganoon din si Vincent at maayos ang buhok na ikinamukha niyang prinsepe. Iyon nga lang ay makikita pa rin ang kanyang kasungitan kaya imbes na ang gwapo niya sa aking paningin, sa tuwing naalala ko ang kanyang pang-aasar ay agarang napapawi ang aking pagkakamangha sa kanya.  Dala dala ko ang aking regalo na iniwan ko lamang sa kuwarto ni Dira at mamaya ko na ibibigay lalo na’t noong matanaw ko ang mga regalo ng bisita ay bigla akong nahiya sa aking dala. Ramdam ko na sobrang mamahalin din ang laman ng mga iyon habang akin naman ay tinipid lamang at hindi pa lumagpas ng 200 pesos.  Maiintindihan naman siguro ni Vincent na hindi ako kasingyaman nila at wala nga akong pera pambili. Dahil kung meron ay bibigyan ko rin naman siya ng mamahalin kahit puro pang-aasar ang ginagawa niya sa akin.  Umupo kami ni Dira sa isang round table kasama ang kanyang parents habang nagsisimula na ang programme at may MC pa sa harap. Pinakilala si Vincent sa lahat habang pormal na pormal itong tumayo roon na akala mo ay kung sinong masungit na prinsepe.  “Ang gwapo talaga ni Vincent...” narinig ko ang bulungan sa kabilang mesa.  “Maraming ‘yang paiiyaking babae paglaki,” bulong naman ng isa.  “Oo nga eh. Itsura pa lang habulin na agad ‘yan...”  Kumunot tuloy ang aking noo at medyo naging kuryoso. Mahilig ba si Vincent sa babae? May girlfriend kaya siya? O may tipo siyang babae? Ngunit sa tinagal tagal ko rito sa kanilang bahay ay hindi ko naman siya namamataang may kasamang babae. Kahit nga kalaro ay madalang eh.  Ang sabi sa akin ni Dira ay nagsusulputan ang kanyang kaibigan tuwing may okasyon dito. Madalas magheld ng party ang kanilang pamilya at maraming naiimbitahan na mga mayayaman na kaedad lang din daw ni Vincent at ni Dira. Ngunit wala siyang nakakasundo lalo kadalasan din daw sa mayayaman ay hindi palakaibigan.  Pumalakpak ang lahat kaya nakisali ako. Nagsalita si Vincent sa mic. Tuliro ako sa panonood sa kanya at ginagaya ko lamang kung papalakpak na rin sila.  Noong nagserve na ng pagkain ay doon ako naging ganado lalo na’t kanina ko pa tinitingnan iyong chocolate fountain. Kaya noong pwede nang galawin ay iyon agad ang nauuna kong nilapitan at kumuha ng marshmallows para i dip iyon doon habang isa isa ko silang nilalagay sa hawak na bowl.  Isinubo ko ang isang marshmallow at halos kiligin ako sa harap ng lasa na agarang kumalat sa aking bibig. Ang sarap sarap! Dapat ay damihan ko nito!  “Where’s my gift?” biglang sulpot ni Vincent sa aking tabi na agaran kong ikinagulat.  Gulat ko siyang nilingon. Kunot noo niyang tiningnan ang gilid ng aking labi. Naiiling niyang dinukot sa suot na itim na slacks ang kanyang panyo at ipinahid sa aking gilid.  “You eat so carelessly,” irita niyang sabi at muling ibinalik sa bulsa ang panyo.  Sumimangot agad ako at ibinalik ang tingin sa chocolate fountain lalo na’t naalala ko na naman ang mga regalo nila sa kanya habang iyong akin ay masyadong mumurahin.  “Ah... Wala akong regalo sa’yo,” sabi ko habang natagalan ang pagbababad ng marshmallow doon.  “Tsss. Liar. I saw you earlier. May dala kang paperbag,” aniya at hinawakan ang aking pulso para igiya iyon sa kanyang bibig at kinain ang marshmallow.  Nalaglag ang aking panga at sumimangot. Iritado kong binawi ang kamay. Ngumuya siya at dinilaan ang labing nagkaroon ng chocolate.  “Kumuha ka nga ng sa’yo,” sabi ko at inilayo ang aking bowl.  Namulsa siya at kumuha ng panibagong stick para tumusok ng marshmallow at ginagaya ang aking ginagawa. Imbes na kainin ay inilalagay niya pa iyon sa aking bowl.  Kumalma naman ako at hinayaan siyang gawin iyon lalo na’t kaarawan niya pa naman. Dapat ay tumigil muna kami sa pagtatalo at maging bati. Eh hanggang ngayon ay tinatago niya pa rin kay Dira iyong tungkol sa aming secret kaya dapat ay maging mabait man lang ako sa kanya kahit papaano.  “Ang dami mong bisita...” sabi ko.  Ngumisi siya. “May nag-gwapuhan ka? Eh ako ang pinakagwapo sa kanilang lahat,” pagyayabang niya na agaran kong ikinaismid.  “Wala ‘no! At aanhin ko naman ‘yan...” sabi ko lalo na’t hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy niya para sabihin ang bagay na iyon.  “Tsss. Lagot kayo sa’kin ni Dira pag nalaman kong may nagugustuhan kayo.”  Ngumiwi ako sa kanya. Anong nagugustuhan eh pagkain nga lang ang kumukuha ng aking atensyon at iyong mga naglalakihang regalo na nakikita ko. Kung meron man akong ikinakamangha sa kanyang mga bisita iyon ay ang ang maganda nilang pananamit. Halatang mga amoy mayayaman lalo na’t naka kotse pa at ang kikinis. Halatang hindi basta basta ang gamit nilang mga sabon sa katawan. Siguro mas mahal pa sa safeguard?  Dinala ko rin naman sa table ang kinuha kong pagkain habang si Vincent ay nagtungo na sa kanyang Mommy lalo na’t tinawag ito at may pinakilala sa kanya.  Pinanood namin ni Dira ang pakikipagkamay ni Vincent sa babaeng kaedaran niya lamang. Humagikhik kaming dalawa habang bumubulong bulong na maaaring gusto siya noong babae lalo na’t kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Vincent.  “15 na si Kuya. Baka magg-girlfriend na siya...” ani Dira habang kapwa kami kumakain noong marshmallow na kinuha ko.  “Talaga? May babae palang gustong maging girlfriend si Kuya Vincent?” bulong ko lalo na’t hindi ko talaga naiisip ang ganoong bagay sa kanya dahil sa pagiging mapang-asar niya.  Tumango si Dira. “Campus crush ‘yan si Kuya sa school namin. Tadtad lagi ng love letter ang locker niya. Tuwing February nga ay ang dami dami niyang natatanggap na chocolates at ako lagi ang kumakain kasi binibigay niya sa’kin...”  Medyo namangha ako sa narinig lalo na’t hindi rin naman kataka taka iyon. Kaso hindi ko kasi talaga iniisip na gwapo si Vincent. Hindi ako masyadong nagfofocus sa kanyang mukha lalo na’t sa tuwing nakikita ko siya ay naiirita agad ako dahil mang-aasar na naman siya.  Ngunit ngayon na napag-uusapan namin ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay medyo napapaisip ako kung bakit nila gusto si Vincent. Eh ako nga iritang irita na ilang minuto pa lang na nakakausap siya lalo na’t tatadtarin niya pa ako ng asar tapos sila itong kulang nalang ata ay pangarapin siyang makasama lagi.  Kuryoso kong pinanood ang panibagong babaeng kinakamayan ni Vincent. Ngumiti siya sa kanya at natapat sa kanya ang lights kaya mas naging detalyado ang kanyang mukha.  Perpekto at mapuputi ang kanyang mga ngipin. Maganda ang kulay ng kanyang mga mata at makapal din ang kilay. Matangos ang ilong at ang kanyang labi ay natutal ang pagiging pula. Kung seryoso ito ay talagang napaka supladong tingnan ngunit sa tuwing ngumingiti ay parang napapangiti ka rin bigla.  Sa tagal ng aking paninitig ay nahuli niya ang aking mga mata kaya nagulat ako at mabilis na iniwas ang aking tingin lalo na’t nabilaukan pa ako sa aking kinakain. Dali dalin kumuha si Dira ng baso ng juice at ibinigay sa akin. Ininom ko agad iyon para mahimasmasan.  Hindi na rin naman namin pinag-usapan si Vincent lalo na’t kami naman ang sinasama ni Tita sa bawat table. Pinapakilala niya kami sa mga anak ng kanyang kasosyo. May kinakamayan kami na mga babae at meron ding lalake na hindi nalalayo ang edad sa amin.  Medyo friendly ang iilan ngunit talagang may iba na mararamdaman mo agad ang pagiging masungit. Iyon ang pinag-usapan namin ni Dira nang bumalik kami sa table namin lalo na’t hindi naman mga mukhang friendly ‘yung iba.  “Sabi ko sa’yo eh... Minsan friendly lang ‘yan sila sa akin dahil kay Kuya. Gusto akong kaibiganin para maging close din nila si Kuya,” bulong ni Dira sabay ismid.  Ngumiwi ako sa rason na iyon. Ano ba kasing espesyal kay Vincent eh masama nga ang ugali niyan at napaka demonyo mang-asar! Gusto ba nila ng ganoong lalake? Kung magkaka crush man ako, mas gusto ko talaga iyong mabait at palangiti hindi iyong masungit gaya ni Vincent.  Makalipas ang ilang minuto ay naging malakas na ang tugtog at nagkakasiyahan na ang mga bisita lalo na’t may mga lumulutang na ring bubbles sa paligid. Iyon ang pinagkaabalahan namin ni Dira at sinalo salo ang mga bubbles habang lumulundag kami at nagkakatuwaan. Nang may mapansin akong panibagong bula ay mabilis akong lumundag kaso ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang may natamaan akong babae na natapon agad ang kanyang dala dalang juice sa kanyang suot.  “My dress!” sigaw niya kaya nagsitinginan ang lahat sa kanya.  Natigil din si Dira sa kakatalon lalo na’t galit na akong tiningnan ng babaeng isang taon lang ata ang lamang sa akin.  “Hala! S-Sorry!” Natataranta akong lumapit sa kanya at nagtangka iyong punasan ngunit malakas niya akong itinulak sanhi para mapaupo ako sa sahig.  “Get away from me, you trash!” sigaw niya sa galit.  Mabilis akong dinaluhan ni Dira habang may lumalapit nang malalaki sa amin. Natanaw ko agad si Tita na nag-aaalalang lumapit ganoon din si Vincent na nagkakasalubong ang kilay.  “Hindi naman sinasadya ni Celeste,” si Dira ang nagsalita sa naiinis na tinig habang tinutulungan akong tumayo. “Anong hindi? Can she even pay for this? Afford niya ba ‘to?” iritado niyang sabi hanggang sa may lumapit na matanda sa kanya at mukhang Daddy niya.  “I’m sorry for this... Chelsea,” tawag niya sa anak nang malaglag ang tingin niya rito.  “Hindi naman sinasadya ng bata. Ako na ang bahalang sumagot ng dress. Let’s go, hija... Maraming dress ang aking anak na si Dira,” si Tita na pilit pinapakalma ito.  Tinapunan niya ako ng masamang tingin. Tahimik akong yumuko at itinago sa aking likod ang nanghahapdi kong kamay lalo na’t naitukod ko iyon.  “Ayos ka lang, Cee?” tanong ni Dira.  Nag-angat ako ng tingin at tumango. Doon ko napagtantong nakatingin na pala ang lahat sa akin. May iba na nadidisgusto at masama ang tingin sa akin. Hilaw akong ngumiti kahit gusto ko nalang tumakbo paalis at itago ang aking sarili sa kanilang lahat.  “You hurt yourself,” ani Vincent nang biglang hinila ang aking kamay paalis sa aking likod.  Nagulat ako at mabilis na binawi ang aking kamay sa kanya. Sumimangot si Dira nang makita iyon at sinamaan agad ng tingin ang lugar kung saan pumunta ang babae.  “Tinulak niya si Celeste,” iritado niyang sabi.  “Ayos lang ‘to. Maliit lang naman na galos...” hilaw kong sabi kahit na nanliliit ang aking boses at pakiramdam ko ay maiiyak na ako ano mang oras kung titingin ako sa kanilang mga mata.  Hinila ako ni Vincent paalis doon. Pilit kong binabawi ang aking kamay ngunit masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak na pakiramdam ko ay hindi ako makakatakas.  Naalala ko bigla ang sinigaw ng babae sa akin kanina. Trash ako. Pakiramdam ko ay isa lamang akong ukay ukay na nahalo sa katulad nilang mga mababango at imported. Na ako itong hindi nababagay sa ganitong party lalo na’t taga baryo lamang ako at nanggaling pa sa mahirap na pamilya.  Kinagat ko ang aking labi hanggang nakita ang malakaking luha na nalaglag sa aking mga mata. Sinikap kong hindi humikbi lalo na’t nahihiya rin ako kay Vincent na baka makita niya akong umiiyak.  “Gamutin natin ang sugat mo nang— Are you crying?” biglang nagbago ang tono ng kanyang pananalita kaya agaran akong umiling at pinalis ang mga luha.  “H-Hindi! Napuwing ako!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD