Sa mga nagdaang araw ay laman na iyon ng aking isipan. Makakabuti nga ba ‘yon sa akin? Pag nakausap ko si Papa, makakausad na ba ako at hindi na babalik sa dati? Ang hirap na kailangan ko itong problemahin pa. Ang hirap na hindi ko kayang magpatuloy katulad ng dati kong nakasanayan dahil may sugat na ang aking puso. Wala na rin namang mababago roon. Nasira na ang aming pamilya. Hindi na kami babalik sa dati. Si Mama... Kawawa si Mama. “What’s your decision?” tanong ni Vincent habang tahimik ako sa front seat. Pauwi na kami pabalik sa condo. Actually siya lamang ang aking kasama lalo na’t si Dira ay kasama si Rafael. Nagpupumilit pa ‘yon ngunit sabi ko ay ayos lang naman sa’kin total nariyan naman si Vincent na sasamahan ako. Kahit si Vincent ay pumayag naman lalo na’t minsan lang

