48

2065 Words

“You looked tense. Kinakabahan ka?” tanong ni Vincent nang mapansing tahimik ako sa kanyang front seat habang nagmamaneho siya.  Tumango ako lalo na’t iyon talaga ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang magiging kinalabasan nito ngunit pinagdadasal ko na sana ay maging maayos ang lahat.  “You’ll be fine...” ani Vincent.  Ngumiti ako ng tipid at muling ibinalik sa labas ng bintana ang tingin. Lumilipad na ang aking isip at kung ano ano na ang nabubuo ko sa aking utak. Pumipintig ng malakas ang aking dibdib habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.  Ito na ang hinihintay ko na araw. Alam kong hindi na maitatama pa ang pagkakamali ngunit paunti-unti kong binubuksan ang pinto para magpatawad. Ito rin ang isa sa napag-usapan namin ng aking therapist noong nakaraang lingg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD