Tumagilid ang aking ulo para lingunin si Vincent. Nakatitig na lamang siya sa langit. Tiningnan ko ng maigi ang kalahati ng kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at medyo nagulo ang kanyang buhok dahil sa paghiga. Itinagilid niya rin ang kanyang ulo kaya nagkatinginan kaming dalawa. Parang nakatatak na sa aking isip ang bawat detalye ng kanyang mukha ngunit may mga araw na pilit ko pa rin ‘yung kinakabisado. May mga araw na kahit anong titig ko roon, pakiramdam ko ay hinding hindi ako masasanay kung gaano ka perpekto ang kanyang mukhang walang kapintasan. Siya lamang ang tanging lalake na pakiramdam ko ay hinding hindi ako sasaktan. Siya lamang ang lalakeng nagpaparamdam sa akin na kung siya ang aking kasama ay hindi ko na kailangang mangamba pa at mag-isip ng kung ano ano dahil

