Chapter 43 Helleia Demetria's POV Nakatitig ako sa sarili ko sa harap ng full length mirror na nandito sa kwartong tinutuluyan ko. Suot ko ang isang itim na gown na umabot hanggang paa ko, pinaresan ko ito ng stilettos na binili ni Fire kanina kasama ng mga isusuot namin ngayong gabi sa party. Oo, mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang gabi ng party na dadaluhan namin. Ni hindi ko nga namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. Lumunok ako ng tatlong beses saka pinakatitigan ang mga mata ko, tapos ay sa labi ko na may itim na lipstick shade. Ako mismo ang nagrequest kay Fire na itim ang shade ng bilhing lipstick, pakiramdam ko kasi ay hindi ako magiging masaya ngayong gabi. Hindi naman sa gusto kong mag-enjoy sa party ng kalaban pero pakiramdam ko kasi ay may hindi maganda

