Chapter 44 Helleia Demetria's POV Nakatitig ako sa isang taong naglalakad patungo sa gitna ng mini stage. Nakasuot ito ng puting suit at puting maskara. Matangkad at may kalakihan ang katawan. Ang kanyang aura ay nasusumigaw ng panganib at authority. Natahimik rin ang buong hall nang pumasok sy mula sa higanteng pinto. "Good evening, ladies and gentlemen" bati nya hustong makatayo sya sa gitna ng mini stage. Natatakpan ng suot nyang maskara ang buo nyang mukha at ang kanyang mata lamang na puno ng mapanganib na emosyon ang makikita. Base sa kanyang tindig at pananalita ay masasabi kong halos kaedad lamang sya ni Red o mas matanda ito ng ilang taon. Sya ba ang bagong lider ng White Dragons? Kung ganoon, kailangan kong malaman kung sino sya. Sya ang magdadala sakin sa mga magulang ko. S

