Chapter 45 Third Person's POV "R-Red" Halos hindi ko nakilala ang sarili kong boses nang banggitin ko ang pangalan nya. Nanunuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa malakas na pagkabog nito. Nanatili syang nakatingin sakin. Bahagya pang tumagilid ang ulo nya habang unti-unting iniaangat ang kanang kamay hanggang sa maitutok nya ang hawak nyang baril sakin. Bumangon ang takot sa puso ko. Ang pamilyar na takot na naramdaman ko sa panaginip ko ay muli kong naramdaman habang nakatingin sa hawak nyang baril na nakatutok sa akin. "Who are you?" malamig at mariing tanong nya. Mariin akong napapikit. Sobrang sakit. You need to come back, Red. I am no longer living. Yes, i am alive but i felt like dead. Sinulyapan nya ang kamay kong may hawak na baril. Nasa gi

