Chapter 33 Helleia’s POV Nang sabihin ng big boss na patay na si Phoenix. Pakiramdam ko ay napilayan ako. Hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang narinig ko at para akong nalagutan ng hininga P-Phoenix... Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na tinatanggap sa isip ko ang sinabi ng big boss. Ni hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapagreact. Ang tanging nararamdaman ko ay ang tila pamamanhid ng katawan ko at pagkadurog ng puso ko Nawala na samin sina Percy, Kei, Lei at Jelly. Ngayon naman ay si Phoenix. Hanggang kailan kami magdudusa? Ilan pa ang mamamatay? Ilan pa ang magsasakripisyo? Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko. Sana ay mas pinili kong maging matapang at matatag noon pa man. Sana ay pinili kong harapin ang kapalaran ko at labanan ang mga kalaban ng pamilya

