Chapter 34 Third Person’s POV Nagising si Helleia dahil sa isang malakas na kalabog mula sa ibaba ng mansion. Naroon pa rin sya sa mansion ni Hellion, ang big boss ng Morfell Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga ang dalaga saka isinuot ang kanyang sapatos at patakbong lumabas ng silid. Dumiretso sya sa hagdanan at agad na bumaba “Tang’na, dinadaya mo ko, Fire!” Isang galit na Daemon Ace at nakaupong Fire Collins ang naabutan ng dalaga sa ibaba. Nakasuot pa rin ng maskara ang dalawa kaya hanggang ngayon ay hindi nya pa alam ang hitsura ng mga ito “Gago! Karma mo ‘yan” tila nang-aasar na sagot ni Fire Collins Mahinang napailing nalang si Helleia saka tuloy-tuloy na bumaba ng hagdan at inilibot ang paningin upang hanapin si Red “Isang game pa!” sabi ni Daemon Ace at pagalit na nau

