((Danreve)) “Onse...” Mahinang bigkas ni Charmaine sa pangalan ng matalik kong kaibigan na ngayon ay parang mabangis na hayop na nagwawala sa labas ng gate. Kulang na nga lang ay umakyat sa mataas na gate makapasok lang dito sa resort. “What is he doing here? Paano niya nalaman na nandito si Charmaine?" tanong ko sa sarili. Gusto ko siyang itaboy, pero para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi na kasi ako makakilos, pero maya maya ay nagawa ko namang lingunin ang humihikbing si Charmaine na mas ipinagtaka ko. “Why are you crying? I didn’t do anything, para umiyak ka ng ganyan; hindi kita sinaktan, Charmaine. Ikaw pa nga ang nanakit sa akin ngayon.” Hindi siya umimik, pero ang talim naman ng tingin sa akin, at saka marahas na pinahid ang mga luha. Natutulalang napatitig naman

