“What do you mean, Charmaine? Anong masaya ka na sa bago mong buhay?” Naipikit ko sandali ang mga mata ko at mapait na ngumiti. Naiinis kasi ako sa hitsura niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. Naiinis ako sa pagtanga-tangahan niya. “Seriously, Danreve, hindi mo maintindihan ang sinasabi ko? Hindi mo maintindihan na may kanya-kanya na tayong buhay ngayon?” Umiling-iling siya na muling nagpangiti sa akin ng mapait. “Hindi bagay sa’yo ang magmamaang-maangan at magpanggap na inosente ng ganito, Danreve! Alam kong naintindihan mo, dahil five years ago, ikaw ang unang nagkaroon ng bagong buhay kasama ang babaing pinakamamahal mo. Kaya tigilan mo na ‘to, please. Buksan mo na ang gate at hayaan mo na akong umalis.” Akala siguro niya, ako pa rin ang batang Charmaine na minahal si

