Kabanata 60

1133 Words

“Ms. Charmaine, alis na po ako. Dumating na po kasi si Ara,” mahinahong sabi ni Magi na tipid na ngiti at pagtango lang ang sagot ko. Wala pa rin kasi akong kakayahang magsalita. Kahit mahigit isang oras na kaming nakabalik rito sa ICU, hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko. Ang lungkot-lungkot ko pa rin kasi. Ang bigat-bigat sa loob ko na ganito na si Nanay. Nangyari na naman kasi ‘yong kinatatakutan ko sa dialysis center kanina. Nawalan na naman siya ng pulso. Kaya nga kahit pagod na pagod na ako. Kahit parang bibigay na rin ang katawan ko, hindi pa rin ako umaalis. Natatakot akong iwan siya. Natatakot kasi ako na wala ako sa tabi niya, sakaling bibigay na ang puso niya. Sinunod ko na nga ang sinabi ni Tita Marie. Lahat sinabi ko na sa kanya. Pero hindi pa rin ako kunten

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD