Tahimik akong umiiyak, habang yakap-yakap ang braso ni Nanay. Mula kanina, hindi ako umalis sa tabi niya. Hindi ko magawang ilayo ang paningin sa kanya. Pati nga paghinga niya ay binibilang ko. Natatakot kasi ako na baka tumigil na naman ang t!bok ng puso niya. Hindi ko kasi ma-explain ang naramdaman ko kanina habang isinasalba ng mga doctor ang buhay niya. Buong katawan ko nanginginig at nanlalamig. Parang ako ‘yong nawalan ng buhay. Nawalan ng kakayahang huminga. Ang akala ko kasi, iiwan na niya ako. Pero ang tapang-tapang ni Nanay. Lumaban pa rin siya. Hindi siya sumuko, kahit bumibigay na ang katawan niya. “Charmaine, magpahinga ka na,” pabulong at mahinahong sabi sa akin ni Lolo Clam. Kanina niya pa ako kinakausap. Kanina niya pa ako pinapatahan, pero hindi ko nga magawa. Aya

