“Why am I here? Talagang tinatanong mo pa, my star?” Tumiim ang labi ko sa naging sagot niya. Nagpanting rin ang tainga ko, ang kapal din kasi ng mukha niya na tawagin akong my star. Gusto ko na agad siyang palayasin, kung hindi lang kabastusan ang gagawin ko. Kilala nga kasi ako nitong assistant ko na mabait, kahit pa do’n sa client namin na medyo masama ang ugali. Pero iba ‘to si Danreve magpakulo ng dugo ko. Talagang hindi ko na alam ang takbo ng utak niya. Nalilito na ako sa mga kilos niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa lalaking ‘to sa loob ng limang taon na paghihiwalay namin? Napasukan ba ng hangin ang utak niya? Hindi ko kasi alam kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng mukha at nagawa niya pang magpakita at ngumiti sa akin ngayon na parang walang nagawang kasalanan noon. “

