Umiling-iling siya at magsasalita pa sana, but hindi ko siya pinansin. Si Sheila naman kasi ang hinarap ko na ngayon ay bakas na rin bakas na rin sa hitsura ang matinding kaba. Alam niya kasi na puno na ako, at totoong galit na. “At ikaw, Sheila, next time, ‘wag mong papasukin o bigyan ng appointment ang mga taong gusto lang magpapansin!” Matapos kong pagbuntungan ng galit si Daisy, tinapunan ko naman ng matalim na tingin si Danreve na ngayon ay nawala na ang pilyong ngiti. Maging siya ay alam nang hindi ako natutuwa sa mga banat niya. "Uhmm...Doc. Charmaine, hindi po ako nagpapansin. Talagang—" “Tama na, Danreve! Umalis ka na!" Agad ko nang pinutol ang pagsasalita niya at agad na tumalikod. “Kasama ko si Picca,” sabi niya, na napapalingon sa akin. “Nasa labas siya, kasama si Aka." Me

