((DANREVE)) Pangiti-ngiti ako habang paunti-unting humihigop ng kape dito sa isang coffee shop, staring out at Charmaine’s clinic across the street. Para na nga akong tanga. Hindi mapakali dahil sa kada bukas ng pinto ay napapaupo ako ng maayos, hoping na si Charmaine na ang lumabas. But each time, it wasn’t—ang lumalabas ay mga pet owner dala ang mga alaga nila. Ilang ulit na rin akong tumingin sa relo. Three hours had passed since I ordered my first cup of coffee na ngayon ay nangalahati at medyo malamig na. "Alam niya ba na hindi ako umalis? Nakita niya ba ako na pumasok dito sa coffee shop, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumabas ng clinic? Iniiwasan niya ba talaga ako? No, hindi ako papayag. Wala akong pakialam, magmukha man akong aso na buntot ng buntot sa kanya. Basta p

