((Danreve)) Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko, palapit sa kanila. Si Charmaine, hindi maitago ang kabang nararamdaman nang makita ako. Si Onse naman ay napatulala; hindi alam kung kanino titingin, sa akin ba o kay Charmaine na ngayon ay hindi pa rin nagawang tumayo habang yakap-yakap ang bata. Ang dami-daming tanong ang nabuo sa isipan ko kanina, pero ngayong malapit na ako sa kanila at kaharap ko na sila, para naman akong napipi. Iniiwasan kasi ni Charmaine ang tingin ko. Ngayon ay tumayo na siya; hawak ang kamay ng bata at bahagyang nagtago sa likuran ni Onse. Si Onse naman ay parang nakabawi sa biglang pagsulpot ko. Matiim na kasi ako nitong tinitigan, walang imik at parang hinihintay lang ang susunod kong gagawin. “Charmaine... Onse...” Nakakahiya man, pero hindi ko mak

