Sandali akong napatitig sa mga mata niya, pero hindi ako sumagot. Binaklas ko ang kamay niya na mas humigpit pa ang pagkapit sa batok ko. Nagmatigas pa siya. Ayaw akong bitiwan. "Nag-usap na tayo, Golda. I thought, nagkakaintindihan na tayo; hindi mo na ipipilit na maging tayo. Ano na naman ‘to?” "Danreve, swear to God, sinubukan ko naman na ‘wag ka nang mahalin. Sinubukan kong intindihin ang sitwasyon natin, pero ayaw sumunod nitong puso ko. Ikaw pa rin ang tinitibok nito. Danreve, hindi na ba talaga pwedeng ako na lang ulit ang mahalin mo? Hindi ba pwedeng maging tayo na ulit?” "You know what? Lasing ka lang, let’s go home,” sabi ko at iniwan na siya sa dance floor. “Danreve…” Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi na ako lumingon. Ang bilis ng mga hakbang ko

