Naipikit ko naman ang mga mata ko. Na-alala ko kasi na na-sprain ang paa niya, at kailangan ko pa siyang dalhin sa hospital. Sinusubukan na niyang tumayo nang lumingon ako. Galit ako, pero hindi naman ako walang puso na kayang iwan siya rito. Walang salita na tinulungan ko siya, but this time, inalalayan ko na lang siyang maglakad, at kahit sandali hindi ako sumulyap sa kanya. Mula sa parking area ng bar, hanggang sa makarating kami ng hospital, wala ni maikling usapan ang namagitan sa amin. Hagulgol at paghikbi niya lang ang naririnig ko na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Ang asawa kong ni-neglect ko ang laman ng utak ko. Buong sistema ko, siya ang hinahanap. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Ang gago ko. Hinintay ko pa na umabot sa ganito bago ako matauhan. Naghintay pa ako n

