“Danreve, please, patawarin mo na ako. Ginawa ko lang naman ‘yon, kasi mahal kita. Ayokong mawala ka sa buhay ko!” Umalingawngaw ang sigaw at pagmamakaawa ni Golda sa bakuran ng mansyon. Araw-araw siyang bumabalik rito. Araw-araw nangbubulahaw at sinisira ang araw ko. At sa araw-araw niyang magpabalik-balik dito, paulit-ulit ko ring pinapamukha sa kanya ang kasalanan niya. Paulit-ulit ko pinaparamdam sa kanya ang ganti ko sa ginawa niya sa amin ni Charmaine. “Drag her out!” utos ko sa mga guard na agad namang sumunod. Sanay na naman silang kaladkarin si Golda palabas ng mansyon. Hinayaan ko kasi muna siyang lumuhod at magmakaawa sa labas, bago ko siya ipatapon palabas ng mansyon. “Danreve, ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo? Are you still human?!” sikmat ni Mommy, sabay agaw s

