((Charmaine)) Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko, habang tanaw ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng mahabang panahon, kasama si Nanay. Ang bahay na naging saksi sa pagsuko ko, hindi lang sa pagmamahal ko kay Danreve, kundi pati na rin sa buhay. “Nanay, bumalik na po ako,” bulong ko sa hangin, habang pinapahid ang namuong luha sa mga mata ko. Akala ko kasi, hindi na ako muling babalik rito. Pero heto ako, matapos ang limang taon, bumalik din ako sa lugar na nagdulot sa akin ng hindi masukat na sakit. Sunod-sunod na bagyo ang dumating sa buhay ko. Nawala si Nanay sa panahong wasak na wasak ang puso ko. Inayawan nga kasi ako ng lalaki na nangako sa akin na mamahalin at hindi ako sasaktan. Ang lalaking akala ko, makakasama ko sa pagbuo ng nawawalang parte sa buhay ko. Pero mas p

