Kabanata 78

1445 Words

“Tita Marie…” Pabulong kong nabigkas ang pangalan ng Mama ng mga kaibigan ko na ngayon ay umawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung natutuwa, o naiinis siya na makita ako. Hindi ko kasi mabasa ang hitsura niya. Kitang-kita ko pa ang paghigpit ng paghawak sa supot ng slicebread na halos makuyumos na niya. Bumitiw ako kay Mommy, at saka, nilapitan ko si Tita Marie. Napako na lang kasi ito sa kinatatayuan niya. “Ikaw nga, Charmaine.” Hindi makapaniwalang naibulalas niya, at maya maya ay naitakip naman ang kamay sa bibig niya, habang sunod-sunod na pumapatak ang luha mula sa mga mata niya. Napayuko at natiim ko naman ang labi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Napaangat na lang ako ng ulo nang lumapat ang kamay niya sa balikat ko, at bahagya akong niyugy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD