Chapter 3

1030 Words
Chase POV Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ni Jane sa labi niya. Ayaw pa sana niya kaso sinabi ko na ako naman ang may kasalanan. Kaso kanina pa din siya aray nang aray kaya naman naiinis na ako. "ARAY!" Daing nanaman ni Jane. Kala naman niya inaano ko siya eh. Likot likot kasi kaya napapadiin ko yung bulak sa labi niya. Hawak hawak ko pa man din ang bote ng betadine. "WAG KA KASING MALIKOT NATURAL MASAKIT TALAGA YAN SA UNA ARTE NITO." Saka ko narealize na may double meaning yung sinabi ko. Natural sugat yun masakit talaga sa una. "ANO BA TAMA NA MASAKIT KAYA!" Sigaw ulit ni Jane. Natotorete na ako ha. Pasalamat siya naku. "DINAHAN DAHAN KO NAMAN AH SABING WAG MALIKOT EH NAIINIS NA AKO HA." Di ko alam kung bakit kami nagsisigawan eh kaming dalawa lang naman ang nandito. "CHASE!" Nagulat ako dun sa sigaw ni mama kaya yung hawak hawak kong bote ng betadine ay naibato ko at sakto naman na sapol sa mukha nung staff na humarang sa amin kanina ni Jane. Buti nga sayo. Natatawa ako sa isipan ko. Pero bakit nandito silang lahat? Gusto ba nila manuod ng live show? Hahaha. Joke. "Papa? Mama? Kayong lahat? Anong meron at join force pa kayo?" Tanong ko. Kasama pa nila si Kim , Keith , Tito Arman saka yung mga kapatid namin. Complete package ah. Nakita ko na pinunasan nung staff na humarang sa amin kanina ang mukha niya na may betadine at lumapit kay Jane at hinila siya palayo sa akin. Langya to! "Hoy hoy wag mo ngang hawakan si Jane sasapakin kita!" Pagbabanta ko sa kanya at mukhang natakot naman siya kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na yun para mahila si Jane palapit sa akin. Bigla bigla na lang hinila ni mama yung tenga ko. "Ikaw na bata ka anong ginawa mong kalokohan kay Jane?" Sabi ni mama. "Aray ko ma teka ma masakit. Wala akong ginawa kay Jane. Hindi naman natuloy. Diba Jane?" Hingi ko ng saklolo kay Jane. Tinignan ko si Jane at bigla itong namula at napayuko. Tapos bigla na lang akong binatukan ni papa na kinatawa nilang lahat. "Edi may balak kang gawin?" Ngunot na noo ni papa. "Nagbibinata ka na talaga Chase." Natatawa na sabi ni tito Arman. "Arman wag mo naman konsintihin tong lokong loko to." Sabi ni mama. "Ang cute kaya nila ma bagay sila." Sabi naman ni Kim. Sige Kim ganyan nga. "Tss bagay daw." Bulong nung lalakeng staff na bansot at sinamaam ko siya ng tingin. "Hoy bansot may sinasabi ka ba ha?" Muli ay binatukan ako ni papa. "Umayos ka ngang bata ka!" Sabi ni papa. "Papa naman hindi ko naman sisirain ang kinabukasan ng babaeng mahal ko no." Halata sa kanilang lahat ang pagkagulat si Jane naman nanatiling nakayuko mukhang nahihiya pa din siya. Binitiwan na ni mama ang tenga ko at hinawakan ko ang kamay ni Jane at pinisil iyon. Gusto ko ipahiwatig na dapat hindi siya mahiya. Napatingin siya sa akin na saglit tapos napayuko ulit siya. "Ayun naman pala pare , mare mahal naman pala ni Chase si Jane eh." Sabi ni tito Arman na ikinangiti ko. Nanatiling nakayuko si Jane at naiilang siya. "Kahit na hindi natuloy kailangan mong panagutan yun. Ipapakasal ko kayong dalawa." Nakangiting sabi ni mama na ikinapalakpak nang tenga ko. Wooooh! Mama thank you. "Pero kung papayag si Jane." Lahat ng mata ay sa kanya napunta at mukhang gulat na gulat rin siya sa sinabi ni mama. "P-pag iisipan ko po." Utal na sabi ni Jane habang nakayuko. "Gagawin ko ang lahat para makuha ang matamis mong oo." Bulong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin. Jane POV Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Ano bang iniisip ng mokong na yun. Nababaliw na ata siya. Imagine? Nung isang araw lang kami nagkita tapos di pa maganda yung first encounter namin tapos ngayon inaaya na niya ako magpakasal? "Ah! Nakakabaliw." Sabi ko habang nakaupo ako sa papag na yari sa kawayan. "Ate! Ate!" Narinig ko ang sigaw ni Jenny sa labas ng kwarto ko na natatabunan lang ng kurtina. Sa maliit na kubo lang kasi kami nakatira ng kapatid kong si Jenny. "Bakit Jenny?" Tanong ko at lumabas ako sa kwarto ko na sana hindi ko na lang ginawa. "Hi. Good morning." Sabi niya sabay ngiti at itinaas pa niya ang hawak niyang bungkos ng rosas. Inirapan ko na lang siya. Akala niya porket sinabi ng mama niya na ipapakasal niya kaming dalawa di ko na makakalimutan yung ginawa niya sa akin. Bastos! Hinding hindi ako magpapaloko sayo. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na." Sabi ko sa kanya. "Ate wag ka ngang ganyan tignan mo may dalang masarap na ulam si kuyang pogi." Napatingin ako kay Jenny na nag aayos na ng hapag kainan. At inilalabas na niya yung ulam na dala ni Chase. "Ibalik mo yan sa kanya." Cold na sabi ko at sinamaan ko ng tingin si Chase. "Kung sa tingin mo makukuha mo kami sa ganyan nagkakamali ka. Iba na lang lokohin mo." Sabi ko at tinalikuran ko siya. "Bakit ba ayaw mong maniwala na malinis ang intensyon ko sayo?" Napatigil ako sa sinabi niya at muli ko siya hinarap at lumapit ako sa kanya. "Kasi pare parehas lang kayo. Pagkatapos niyong makuha yung gusto niyo mang iiwan na kayo basta basta!" Hindi ko napigilan na sigawan si Chase at namalayan ko na lang na umiiyak na ako nakita ko ang pagkagulat ni Chase kaya naman tumalikod muna ako. "Ate." Tawag sa akin ni Jenny at mababakas sa boses niya ang pag aalala. "Pumasok ka muna sa kwarto mo." Sabi ko at sumunod naman siya. Habang pinupunasan ko ang luha ko ay naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Chase mula sa likod. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako na ligtas ako sa bisig ng isang lalake. "Bitiwan mo ako." Sabi ko pero wala akong lakas para tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin. Para ba akong tinakasan ng katinuan. "Hayaan mo lang iparamdam ko sayo kung gaano ako kaseryoso sa mga binibitiwan kong salita. At kung hindi ako magtagumpay ako na mismo ang lalayo sayo." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD