Jane POV
"Jane," tawag sa akin ni Sir Chase habang naglalakad ako palayo sa kanya.
"Please wag mo naman ako iwasan."
Ang kulit!
"Hindi mo ba nakikita? Madami pa akong trabaho!" sabi ko tapos bigla akong tumigil sa paglalakad at humarap ako sa kanya hindi ko alam na nasa likuran ko na siya kaya naman nagtama ang labi naming dalawa.
"Sabi ko na nga gusto mo nang kiss ko eh," nakagiti nang nakakaloko si Sir Chase.
"Bastos!" sabi ko at sasampalin ko sana siya kaso nahawakan na niya yung kamay ko at inakbayan niya ako.
"Ano ba bitawan mo ako!" singhal ko at pumapalag ako sa pagkaka-akbay niya sa akin pero ayaw niya ako bitawan.
"Date tayo," diretsong sabi niya sa akin.
Nakikita ko na madami na ang nakatingin sa amin. Paano ba naman nakakahatak ata nang mata tong si Sir Chase. Halos lahat ng kababaihan dito sa isla sa kanya nakatingin. Hindi ako nagseselos ha!
"Hindi pwede," sabi ko. "Madami pa nga----," naputol ang sasabihin ko nang gayahin ako ni Sir Chase.
"Tutulungan na lang kita para matapos ka agad," seryoso pa siya sa pagsabi niya kaya naman natawa na lang ako.
"Sa yaman niyong yan alam ko na madami kayong katulong sa inyo. Kaya sigurado ako na wala kang alam pagdating sa ganito," Naiiling na sabi ko sa kanya.
"Try me!" Confident na sabi ni Sir Chase.
Napangiti na lang ako sa naiisip ko. Try me pala ha?
"Ayoko Jane! Guest pa din yan at higit sa lahat sila ang VIP guest ni Sir Arman malalagot ako." Bulong ni Mila sa akin.
"Please sige na promise hindi makakarating ito kay Sir Arman," bulong ko naman kay Mila at sabay kaming tumingin kay Sir Chase na nasa labas at medyo malayo sa amin.
Nandito ako sa restaurant ng hotel ito kasi ang first station ko ngayon araw. Kinakausap ko si Mila na si Sir Chase na lang ang paghugasin ng mga plato na ginagamit dito sa restaurant. Tignan na lang natin ang sinasabi niyang try me, try me niya.
"Ayoko sorry pero hindi kita matutulungan," nalungkot naman ako sa sinabi ni Mila.
Pero naiintindihan ko naman kung bakit ayaw pumayag ni Mila. Maging ako ay takot na mapagalitan kapag nalaman ni Sir Arman ang hiling ko kay Mila. Sadyang napaka kulit talaga ni Sir Chase.
"Sige na Mila pabayaan mo na jan si Chase," biglang sulpot ni sir Arman.
"B-boss," sabay naming sabi ni Mila kay sir Arman na nakangiti.
"Oh sige na, baka magbago pa isip ko," natatawang sabi ni sir Arman.
"S-sigurado po kayo?" tanong ni Mila na hindi makapaniwala.
Pero imbis na sagutin siya ni Sir Arman ay tinawag niya si Chase. Agad namang lumapit si Chase nang tawagin siya ni Sir Arman at nag-akbayan silang dalawa.
"Tito," nakangiting sabi ni sir Chase.
"Nabalitaan ko na handa mo daw tulungan si Jane para makapag date kayo ngayong araw na to?" nakangiting sabi ni Sir Arman.
Sa pagkakaalam ko magkaibigan ang ama ni Sir Chase at si Sir Arman kaya naman tito ang tawag niya sa boss namin.
Tinignan ako ni Mila at ang tingin niya sa akin ay tila ba tinutukso ako. Namula naman agad ako dahil doon.
"Ang bilis talaga ng balita Tito," natatawang sabi ni sir Chase.
"Si Jane kasi yung dishwasher dito. Ikaw ang papalit sa kanya," nakangiting sabi ni Sir Arman kay Sir Chase.
"S-Sir alam ko naman po na hindi siya san----," naputol nanaman ang sasabihin ko dahil sumagot si Sir Chase.
"Diba sabi ko sayo kanina try me," sabi ni sir Chase.
"Ano ka pabango sa isang mall na pwedeng itry?" pairap kong sabi sa kanya.
Nakita ko naman na natawa si Sir Arman pati na din si Mila si Sir Chase naman ay nakangisi lang siya sa akin.
Bakit kasi hindi marunong sumuko ang isang ito?
Agad agad kaming napatakbo papuntang kusina kung saan naghuhugas ng mga plato at iba pang ginagamit dito sa restaurant nang marinig namin na may nabasag. Nasapo ko na lang ang noo ko ng makita ko na may tatlong pinggan at isang baso ang nabasag. Tapos nakita ko si Chase na nakatulala dun sa mga nabasag na parang bata. Napailing na lang ako hanggang sa nakarinig ako ng tawa. Yun pala si sir Arman.
"Mag igib ka na lang ng tubig baka malugi ako sayo sa kababasag mo nang mga pinggan dito," natatawang sabi ni sir Arman.
"Diba po may marami tayong sto----." bulong ko pero naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita si Sir Arman at bumulong din siya sa akin.
"Diba gusto mong patunayan na seryoso talaga sayo si Chase?" Nakangiting bulong sa akin ni Sir kaya naman napaisip ako. Pero ito ba talaga ang gusto ko?
Tilian, tulakan, sigawan at palihim na picturan ang ginagawa ng mga tao dito o sabihin ko na mga babae. Hindi na ako magtataka kung bakit dumami ang tao dito sa restaurant kahit na yung iba sa kanila ay hindi kumakain. Paano sila hindi magtitilian kung may isang gwapong nilalang ang naka-topless at pawis na pawis pa ang katawan sa kabubuhat ng inigib niyang tubig papasok sa loob ng restaurant. Sinong hindi mababaliw ha?
Syempre ako hindi. Oo hindi talaga. Maniwala kayo!
"Bakit nakabusangot ka?" sabi ni Mila na tumabi sa akin.
"Ang ingay kasi," nakabusangot na sagot ko.
"Talaga ba? I smell something fish," sabi ni Mila at kiniliti pa ako sa tagiliran ko.
"HINDI AKO NAGSESELOS NO!" napatakip na lang ako sa bibig ko nang ma-realize ko ang sinabi ko. Si Mila naman tawang-tawa sa akin.
"Sinong nagseselos WIFEY? Narinig ko yun," tanong ni Sir Chase habang nasa harapan ko na at pinupunasan ang pawis niya gamit ang hand towel.
Ako lang ba talaga o talagang sinigaw niya ang salitang wifey para marinig ng lahat?
WAG ASSUMING JANE!
"Ano ba! Yung pawis mo oh," sabi ko at tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"WIFEY naman! Punasan mo kasi ang pawis ko," naka pout na sabi ni sir Chase kaya naman naririnig ko na yung bulungan.
"Aww may asawa na pala siya."
"Siya ba yung asawa?"
"Ginayuma ata siya nung girl."
"Di sila bagay ang pangit nung girl saka mukhang poorita."
"Yung mag jowa nga naagaw eh yung may asawa pa kaya?"
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga naririnig ko. Kaya naman napayuko na lang ako. Naramdaman ko na may umakbay sa akin. Napatingin ako kay sir Chase at seryoso ang mukha niya pero nakikitaan ko na may inis ang mukha niya.
"Oo may asawa na ako. At si Jane ang asawa ko. Magkaiba ang true love at seryoso sa ginayuma. At ikaw?" nagulat na lang ako kasi bukod sa mga sinabi niya tinuro pa talaga niya yung babaeng nanlait sa akin.
"Sir Chase itigil mo yan. Ano ba?" bulong ko sa kanya pero ayaw niyang magpaawat.
"Mukha ka namang mayaman. Pero yung pagkaretoke mo sa buong mukha mo ang pangit. Sing pangit ng ugali mo. Sana pati pagkatao mo pinaretoke mo na din para gumanda," nagulat yung babae sa sinabi ni sir Chase. Ngayon ko lang napansin na tabingi yung ilong nung babae. Di lang halata sa malayuan kasi may make up siya.
May halong awa at pagtawa ang naramdaman ko para sa babae. Nakakatawa naman kasi yung sinabi ni sir Chase. Natawa nga din yung nga nakarinig eh. Tapos hinarap niya din yung huling nagsalitang babae.
"At sa tingin mo magpapaagaw ako at papatulan kita? Asa ka naman. Di ako pumapatol sa mga desperada at inggitera na walang ginagawa kundi mang down ng kapwa nila. Laitin niyo pa ang asawa ko at hindi lang masasakit na salita ang makukuha niyo sa akin. Don't mess with me. Let's go wifey. May honeymoon pa tayo," naiwanan naming nakanganga yung mga babae.
Nakakatakot naman pala maging kaaway tong si sir Chase kahit pa babae yun pinatulan pa niya. Kawawa naman sila. Baka mamaya mag report sila kay Sir Arman ako ang mananagot.
"Dapat hindi mo na sila pinatulan. Babae pa din sila! Di naman big deal yung sinabi nila," kahit papano ay naiinis ako sa ginawa niya.
"Para sa akin big deal yun. Halata naman kanina na nasasaktan ka sa mga panlalait nila sayo. Aminin mo man o hindi. Oo babae sila pero yung sungay nila dapat baliin na agad," hindi na ako nakaimik pa sa sinabi ni sir Chase dahil oo nasaktan talaga ako. Pero kahit baliktarin pa din guest pa din namin sila.
"Nang dahil lang sa akin mapapaaway ka pa. Mali yun kahit baliktarin pa natin. Guest pa din namin sila," nakayukong sabi ko.
"For me that was the right thing to do. Because I love you Jane," inangat ni Sir Chase ang chin ko at nagtama ang aming mga mata.
Nakaramdam ako ng butterfly sa tyan ko. Unti unting lumalapit sa akin si Sir Chase at akmang hahalikan niya ako pero isang pagsabog sa di naman kalayuan dito sa isla ang nakapagpatigil kay sir Chase.
Maging ako ay nagulat pati sa sinabi ni Sir Chase. Lumakas ang t***k ng puso ko. Sabay kami ni Sir Chase na napalingon sa pinangalingan ng pagsabog.
"Doong direksyon pumunta ang yateng sinasakyan nila Kim at ng iba pa naming mga kapatid."
"Sa tingin mo nasaan na kaya si Kim?" tanong sa akin ni Sir Chase habang nakatingin siya sa dagat. Nandito kasi kami sa dalampasigan.
Nang mawala ang kapatid niyang si Kim ay naging matamlay na ang kilala kong Sir Chase. Halos hindi na din daw sila kumakain para lang mahanap ang kapatid nila.
"Ligtas ang kapatid mo. Huwag kang mag alala hindi siya papabayaan ng Diyos," pampalakas loob ko sa kanya.
Hindi ko alam pero hindi ko siya magawang iwanan lalo na sa oras na ito. Nag aalala din kasi ako sa kanya.
"Sana nga," sabi niya at umupo siya sa buhanginan.
Tinapik niya ang tabi niya para sabihin sa akin ns tumabi ako sa kanya na siyang aking ginawa. Umupo din ako sa buhanginan. Inayos ko ang buhok kong nililipad ng malakas na hangin.
Ilang minuto kami binalot ng katahimikan pero siya na din mismo ang bumasag nun.
"Ngayon lang namin nalaman na kapatid pala namin si Kim," biglang sabi ni Sir Chase at ramdam na ramdam ko sa kanya ang kalungkutan.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil naguguluhan ako. Siguro napansin niya din yun kaya naman tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.
"Naguguluhan ka no?" tanong niya na siyang ikinatango ko.
"Kami ang pasimuno sa pang bubully sa kanya. Nerd kasi siya noon. Saka weak. Hinahayaan niya lang na apihin siya. Hanggang sa nainlove na pala sa kanya ang bunso namin na si Keith. Hanggang sa may nangyaring aksidente at nalaman namin na si Kim pala ang tunay naming kapatid. Pinagpalit ng dati naming katiwala sina Keith at Kim," mahabang paliwanag ni sir Chase habang nakatingin sa dagat.
"Napaka kumplikado diba?" natatawang sabi ni sir Chase pero alam ko na sobra na ang pag aalala niya para sa kapatid niya.
Alam ko na ngayon na pa lang nakasama ang bunso nila tapos may nangyari pang ganito.
"Mahahanap din siya Sir," Pampalakas ko ng loob sa kanya.
"Jane, can I ask a favor?" bigla tuloy akong kinabahan sa hihilingin ni sir Chase. Ano kaya iyon?
"A-ano yun s-sir?" Nauutal kong tanong sa kanya. Paano kasi nakakatunaw ang mga titig niya eh.
"Call me by my name. Nakakailang na kasi eh," sabi naman ni Sir Chase.
Umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na kaya ang nakakatunaw niyang tingin. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa oras na ito.
"Hindi pwede Sir nag tratrabaho pa din ako dito at guest namin kayo," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa dagat.
Nagulat na lang ako at pinaharap niya ako sa kanya. Ngayon nasa pisngi ko na ang kamay niya at ang isang kamay naman ay nasa batok ko.
"Pag hindi mo ginawa iyon I will kiss you," nakangising sabi ni Sir Chase.
Napatulala ako sa kanya at sa sinabi niya. Kaya naman hindi agad ako nakasagot sa kanya. Ngumiti muna siya saka niya nilapit ng paunti unti ang kanyang mukha sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at sa wakas nakabalik na ako sa wisyo ko. Naitulak ko siya at bigla akong napatayo.
"Oo na Chase. Bumalik na tayo," sabi ko at tumalikod ako sa kanya. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa.
"Kala ko makakalusot na ako," sabi ni Chase at naramdaman ko na tumayo na din siya sa pagkakaupo niya sa buhanginan.
"Pero thank you talaga Jane," Sabi ni Chase at hinawakan niya ang kamay ko.
Ngayon nasa harapan ko na siya ulit at ngumingiti nanaman siya. At muli nanamang bumilis ang t***k ng puso ko.
Masaya kong tinitignan ang magkakapatid habang nagyayakapan. Dapat kasi ay hahanapin ulit nila si Kim pero lahat kami ay nagulat nang bumalik si Kim kasama ang anak ni Sir Arman na si Sir Eros. Mabuti na lang at ligtas si Kim. Ayoko kasing nakikitang malungkot si Chase.
"Ano ba yung sinabi ko?" napailing at napangiti na rin ako.
"Jane!" napalingon agad ako sa likuran ko.
"Kanina pa kita hinahanap!"
"Nakabalik na ho pala kayo," nanginginig ang boses ko dahil sa kanya.
"Bakit akala mo hindi na ako babalik dito?" sabi niya at hinawakan ako sa braso ko at hinila niya ako palayo.
Nilingon ko si Chase baka sakaling makita niya ako. Kahit konting pag asa lang na makatakas muna ako sa kanya. Pero alam ko naman na hindi mangyayari yun dahil kitang-kita ko kay Chase na sobrang saya niya ngayon. Hinila niya ako pauwi sa amin.
"Hindi naman ho sa ganun. K-kumain na ho ba kayo?" tanong ko.
"May iba akong gustong kainin," nakangising sagot niya sa akin at kinilabutan ako.
"Naka duty pa ho ako baka magalit si Sir Arman," sabi ko at pinipilit ko na makawala sa kanya.
"Tss, ibigay mo na lang sa akin lahat ng pera mo bilis. Kailangan ko ng pera," lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
"Wala ho akong pera ngayon. Sakto lang to sa pang araw araw naming magkapatid. Hindi ho ba may trabaho kayo sa Maynila?" napapikit ang isa kong mata dahil humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"N-nasasaktan ho ako," sabi ko at pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin.
Sa bawat paghawak niya sa akin ay naalala ko ang nakaraan na pilit ko nang kinalilimutan. Bakit pa siya bumalik dito? Para ano? Pahirapan nanaman kaming magkapatid?
"Aba gumaganyan ka na Jane ha tandaan mo may usapan tayo! Baka nakakalimot ka!" Sabi niya at tinulak ako.
Inikot niya ang paningin niya at nakita niya ang garapon kung saan nakalagay ang ipon naming magkapatid. Kinuha niya ito at nilagay sa bag niya. Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang likuran ko para bawiin sa kanya ang pera namin.
"Huwag po iyan iyan na lang ang perang meron kaming magkapatid." Pinilit kong abutin ang bag niya pero tinulak niya ulit ako.
"Kilala mo ako Jane kapag nagalit. Kung gusto mong wag madamay ang kapatid mo wag ka nang umarte jan!" Sabi niya at aktong lalabas siya ng kubo.
"Gusto ko pag uwi ko may ulam at sinaing na!" Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Naiwanan akong lumuluha. Nay , tay bakit ganto naman ang naging kapalaran namin ni Jenny? Hinihiling ko na sana isang araw ay maglaho na lang ang aming tiyo.
Wala siyang puso!
Alas nuebe na ako nakapag out sa duty ko. Ang dami kasing ginawa sa hotel. Dahil mag chri-christmas na kaya naman marami ang pumupunta dito sa isla para makapag checkhin at makapag bakasyon.
"Ate! Tulong!"
Malapit na ako sa kubo naming magkapatid nang makarinig ako ng sigaw. Sigaw at iyak ni Jenny!
Hindi ako pwedeng magkamali dahil kami lang naman ang may kubo sa parteng ito. Magkakalayo kasi ang mga bahay dito sa amin.
"Jenny!" halos takbuhin ko na ang daanan para makarating agad sa kubo.
Agad kong binuksan ang pinto ng kubo. At nagulat ako sa nakita ko. At napatulo agad ang luha ko.
"Walanghiya ka!" sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat ko. Agad akong pumunta sa kanya at pinagpapalo ko ang likuran niya.
Hawak-hawak niya sa kamay ang kaawa-awa kong batang kapatid. Si Jenny naman ay pilit na lumalaban. Mabuti na lang at nakarating agad ako. Kung hindi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama kay Jenny.
"Aah!" napadaing ako dahil natulak niya ako at tumama ang braso ko sa kanto ng lamesa.
"Ate!" naiiyak na sigaw ni Jenny.
"Tumahimik ka!" sabi niya sabay sampal kay Jenny. Halatang lasing nanaman siya.
"Aray!!" Muli nanamang daing ni Jenny.
Nilakasan ko ang loob ko at hinila ko siya sa abot ng aking makakaya. At nagawa ko naman. Tinulak ko naman agad siya at napasalampak siya sa sahig.
"Jenny tumayo ka bilis umalis ka na dito," sabi ko sa kapatid ko.
"Ayoko ate hindi kita iiwanan," iyak na sagot sa akin ni Jenny.
"Walang utang na loob!" sigaw niya sabay tayo pero dahil lasing siya para siyang matutumba.
"Pamangkin niyo kami pero bakit ginaganito niyo kami?" naiiyak na sabi ko habang yakap yakap ko si Jenny.
"Naniningil lang ako ng mga utang ng magulang niyo! Masama ba yun?" tapos ay tumawa siya na parang demonyo.
"Wag kang lalapit!" sigaw ko dahil akmang lalapitan niya kami.
"Bakit papasiyahin ko lang naman si Jenny ah." sabi niya at nakalapit na siya sa amin at lalong humigpit ang yakap ni Jenny sa akin. Lalo ko din siyang niyakap.
"Huwag ang kapatid ko!!" sigaw ko sa kanya at tinulak ko si tito.
"Edi ang ate na lang!" galit niyang sabi at pilit niya ako hinihila.
"Bitawan mo ate ko!" sigaw naman ni Jenny at pinapalo niya ang kamay ni tito.
"Bakit ba ang titigas ng ulo niyo? Pagkatapos ko kayong arugain ito ang igaganti niyo? Hindi niyo man lang mapaligaya ang tiyo niyo. Jane!" nababaliw na sabi niya sa amin.
Hindi pwede ito. Kailangan kong maging malakas. Hindi ko na hahayaan na masaktan pa niya kami. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang lagyanan ng kutsilyo namin. Buong tapang ko yun kinuha. At winasiwas sa kanyang mukha. At natamaan siya sa kanyang mukha.
Sa gulat ko na makita ang madaming dugo sa kanyang mukha ay nabitawam ko ang kutsilyo. Nanginig ang buong katawan ko.
"Walanghiya ka! Aah a-aray!" sabi niya saka tinignan ang dugo sa kamay niya.
Akmang lalapitan niya kami ulit pero dahil sa pinaghalong kaba at takot nagawa ko na pulutin ulit ang kutsilyo na ginamit ko kanina. Itinutok ko ito sa kanya at tinakpan ko ang mga mata ni Jenny.
"Sige! Sige subukan mong lumapit!" sigaw ko sa kanya at tila natakot naman siya at umatras ito.
Ang ginawa ko mas lumapit ako sa kanya at puro atras naman ang ginawa niya.
"Subukan niyo pa kami guluhin ng kapatid ko at baka makalimutan ko na tiyuhin ko kayo! Umalis na kayo sa bahay namin! Umalis na din kayo sa buhay namin! Di namin kailangan ng malupit na tiyuhin na kagaya niyo!" buong tapang na sabi ko kay tiyo habang nakatutok pa din ang kutsilyo sa kanya.
"H-hindi pa tayo tapos! Tandaan niyo yan!" sabi ni tiyo at dali-dali niyang kinuha ang gamit niya at bago siya lumabas ay tinignan niya muna kami ng masama.
"Ate!" naiiyak na tawag sa akin ni Jenny.
"Ssssh! Tahan na wala na siya nandito na si ate," pang-aalo ko kay Jenny.
"Takot na takot ako ate. Baka bumalik siya," sumbong sa akin ni Jenny.
"Ipagtatanggol ka ulit ni ate kapag bumalik siya," sagot ko sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya.
Iyak lang siya ng iyak at panay naman ang pagpapatahan ko sa kanya. Hanggang sa hikbi na lang niya ang naririnig ko.
"Wala kang pagsasabihan ng mga nangyari ngayon ha," sabi ko kay Jenny at tumango naman siya sa akin.
"Ate thank you!" sabi niya at niyakap niya ako. Kaya naman napangiti ako.
"Hindi na hahayaan ni ate na may makapanakit pa sa atin lalo na sayo."
Tinignan ko si Jenny dahil hindi na siya sumagot. Yun pala nakatulog na siya kakaiyak. Kaya naman inilipat ko na siya sa kwarto namin.
Hindi naman ako makatulog dahil sa kakaisip at kakabantay. Baka kasi bumalik na nanaman ang demonyo naming tiyuhin.
Hindi ko hahayaan na matulad sa akin si Jenny. Pangangalagaan ko siya gaya ng pangako ko sa aming magulang. Balang araw ay makakaalis din kami dito sa isla. Mabibigyan ko din ng magandang buhay ang kapatid ko.
Dose anyos lang ako noon ng mamatay ang aming magulang. Simula noon ay ang Tiyo Danilo na namin ang nagpalaki sa amin. Pero ginawa niya kaming alila ng kapatid ko. Sinasaktan at hindi pinapakain ng tama.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko ng maalala ko ang mga madilim kong nakaraan kahit sa murang edad ko noon. Naging mahina ako. Nagpadala ako sa takot at pagbabanta niya na papatayin niya si Jenny kaya nagawa niya akong abusuhin.
Pinunasan ko ang luha na lumalandas sa aking pisngi. Hindi ito ang oras upang umiyak at magmukmok na lang ako sa isang tabi.
Tumayo ako at kinuha ko ang maliit kong bag. Kumuha ako ng ilang damit namin ni Jenny. Kailangan muna namin makalayo sa bahay na ito, kailangan ko muna masigurado na wala na talaga dito ang tiyo namin. Dahil kilala ko ang ugali niya hindi siya magpapatalo. Baka balikan niya kami dito.
Sinuotan ko ng jacket na may hood si Jenny para hindi siya mahamugan at binuhat ko na siya. Nilakad ko ang madilim na daan habang buhat si Jenny papunta sa bahay nina Mila. Mabuti na lamang at mabait ang magulang ni Mila kaya mapapakiusapan ko sila na doon muna kami kahit dalawang araw lang.
Pagtapat sa pintuan ng bahay nila ay kumatok ako. Tanging tunog na lang ng kuliglig at tahol ng ilang aso ang maririnig sa kapaligiran. Hating gabi na rin kasi kaya sigurado ako na tulog na sila.
Palingon-lingon din ako sa paligid dahil baka nasundan kami ni Tiyo Danilo. Nakailang katok pa ako bago may nagbukas ng pintuan.
"Sino ba yang---Jane?" papungas pungas pang sabi ni Mila.
"M-Mila," tawag ko sa pangalan niya.
Ramdam ko ang pag-aalala niya marahil ay nakikita niya ang panunubig ng aking mata.
"Halika pasok kayo Jane," pag-anyaya sa amin ni Mila.
Bago ako tuluyan na pumasok sa loob ay muli ako nagpalinga-linga upang makatiyak na hindi talaga nakasunod sa amin si Tiyo Danilo.
Maingat kong inilapag sa kama si Jenny. Mahimbing pa din ang kanyang pagtulog. Wala silang kamalay-malay na nasa iba na kaming bahay.
"Heto ang tubig Jane, napakawalang hiya talaga ng tiyuhin mo," sabi ni Mila habang inaabot ang baso ng tubig sa akin. Tinanggap ko naman iyon at uminom ako.
"Alam mo Jane, dapat ipapulis na natin ang tiyuhin mo. Dapat managot na siya sa kanyang sala sa inyong magkapatid," napailing ako sa sinabi ni Mila.
"Hindi ko iyon maaaring gawin dahil alam kong higit na maaapektuhan si Jenny kapag lumabas ang lahat. At hindi ko hahayaan na dahil doon masira ang buhay ni Jenny," habang sinasabi ko iyon ay mas lalong humihigpit ang hawak ko sa baso dahil sa tuwing naaalala ko ang mukha ng aking tiyuhin ay muling nanunumbalik sa aking ala-ala ang nakaraan.
"Naniniwala ako na hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Diyos na ang bahalang sumingil sa lahat ng kasalanan niya."
---