Chase POV
Dalawang araw ko ng 'di nakikita si Jane. Pinuntahan ko na din sila dun sa tinitirhan nila pero wala din sila. Dalawang araw na din daw hindi pumapasok si Jane sa trabaho ayun kay Mila na kaibigan nito.
"Malalim ata ang iniisip mo," napalingon ako kay Cyril na nakasuot ngayon ng pantalon at puting polo at nakabukas ang pang itaas na butones nito. Bahagya pang naka taas ang buhok nito.
"Ano bro? May date ka ba?" natatawang biro ko sa kanya.
"Tss, tigil tigilan mo nga ako Chase," inis na sabi sa akin ni Cyril.
Napailing na lang ako at hinayaan siya dahil minsan lang naman pumorma ng ganyan ang kapatid ko. Puro libro na lang kasi ang nakakaharap niya.
"Nag aalala na kasi ako kay Jane hindi ko na siya nakikita. Diba dude ka-close mo ang kapatid niyang si Jenny?" tanong ko sa kanya. Baka kasi alam ng kapatid niya.
"Yun nga eh, kahit si Jenny hindi ko na din nakikita mga dalawang araw na," sabi ni Cyril at naglakad na siya.
Oo nga pala hindi pa kami nakakapag agahan. Sumabay na ako sa paglakad ng kapatid ko.
"Mukhang close na close kayo ng kapatid ni Jane ah," bigla kong sabi at parang biglang natigilan si Cyril.
"A-ah o-oo nag papaturo kasi siya magbasa. Alam mo naman ang mga bata," sagot niya.
Oo nga naman.
Pansin ko nga na parehas silang mahilig magbasa ng mga libro.
"Kuyaaaaaaaa! Kuyaaaaa Cyril!" napatingin kami parehas ni Cyril kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Si Jenny habang tumatakbo at kumakaway pa habang tinatawag si Cyril. Napatingin naman ako kay Cyril na kung makangiti na ngayon ay abot tenga ang ngiti.
Kung nandito na si Jenny hindi kaya?
"Jenny ano ba baka madapa ka!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Jane," bulong ko at gaya ni Cyril ay napangiti na din ako.
"Bakit ngayon ka lang?" may halong pagtatampo ang boses ko.
"Bakit kailangan ko bang i-report sayo kung nasaan ako palagi?" masungit na sabi niya sa akin.
"Ako na nga nag aalala sayo. Ako pa susungitan mo?" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
"Sinabi ko ba na mag alala ka? Hindi naman diba?" sagot niya sa akin at nilalabanan niya ang titig ko.
"Hindi mo na kailangang sabihin na mag alala ako sayo. Mahal kita eh." seryosong sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
"Ganun na ba kadali sabihin sayo na mahal mo ako? Eh, nung isang linggo lang kayo dumating dito ah," sagot niya sa akin at binawi niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Bakit ba ayaw mong maniwala?" tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi kapanipaniwala," sabi ni Jane at tinalikuran na niya ako sabay lakad palayo.
"Hindi ako susuko Jane!" sigaw ko at alam ko na narinig niya yun dahil huminto siya sa paglalakad pero agad din namang naglakad siya ulit.
"Isa pa waiter!" sabi ko sa waiter pagkatapos ko inumin ang alak na inorder ko sa kanya.
Nandito ako sa bar na hindi naman malayo sa tinutuluyan namin ngayon dito. Ako lang mag isa. Hindi ko sinabi sa kanila na mag iinom ako.
"Sir mukhang lasing na po kayo," sabi niya sa akin kaya naman hinila ko ang necktie niya.
"Pag sinabi kong isa pa isa pa!" medyo pasigaw na sabi ko.
Wala akong pake kung nakakaagaw na ako ng pansin basta ang gusto ko lang ay mag inom. Hindi pa naman ako ganun kahilo.
"Ah sorry, sige na bigyan mo pa siya ng isa. Ako ang bahala," napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin at inawat niya ako sa pagkakahila ko sa neck tie ng waiter.
"Okay ma'am," sabi ng waiter at maya-maya sinerve na niya ang order ko.
"Sino ka?" tanong ko saka ko tinungga ang laman ng baso.
"Elizabeth," nakangiting sabi niya at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Ikaw anong pangalan mo?" nakatitig lang ako sa kanya at hindi ako nakipag shake hands. Magalit pa si Jane.
Jane? Tss.
"Ang suplado mo pala pero I like it," sabay tawa niya ng mahina.
"Hindi ako suplado," sabi ko sa kanya at tinitigan ko siya.
Naka red lipstick siya. At kulay itim ang suot niyang above the knee dress. Medyo kumikintab pa nga ito. Naka straight din ang buhok niya. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya naman ngumiti ito ulit.
"Tapos mo na ba ako titigan?" natatawang tanong niya sa akin.
"Maganda ka," sabi ko at hinawakan ko ang pisngi niya sabay nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Thank you," sabi niya at napakagat siya sa labi niya.
"Welcome," nakangising sabi ko at inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Pinikit pikit ko ang mata ko dahil nahihilo na ako.
"Pero mas maganda pa din si Jane kesa sayo," natatawang sabi ko at ininom ko ulit ang alak na nasa harap ko.
"Sinong Jane?" nawala ang ngiti sa kanyang labi ng tanungin niya.
"Yung babaeng mahal ko pero hindi ako mahal," at napasubsob na ako sa counter. Pakiramdam ko lasing na ako.
"Oh you're broken hearted. Eh nasaan na siya?" natatawa nanaman siya.
"Dito," sabi ko at tinuro ko ang puso ko saka napasubsob ulit ako sa counter.
"Kaawa-awang mister," sabi niya pero hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil hinihila na ako ng antok.
"Ahh Jane b-bakit ba ayaw mong maniwala na mahal kita?" sabi ko at ramdam ko na may umaakay sa akin sa paglalakad.
"Hey, hindi ako si Jane okay?" sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
"Nasaan si Jane dalhin mo si Jane!" sabi ko at naglilikot ako sa paglalakad.
Hindi ko na din maaninag ang daanan lalo na ang taong umaakay sa akin.
"Wag kang malikot ang bigat bigat mo."
Huling sabi niya at hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit.
"Tsk, napadami ata ang inom ko," sabi ko habang sapo sapo ang ulo ko.
Napabangon agad ako dahil sa nakita ko. Hindi ko ito kwarto!
"N-nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko.
"Oh, gising ka na pala," napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakatapis lang siya ng tuwalya.
Ano bang mga ginawa ko kagabi? Wala akong maalala.
"S-sino ka? Bakit ka n-nandito?" napatingin ako sa sarili ko at wala akong suot na tshirt. Agad kong hinila ang kumot.
Napatawa naman siya sa ginawa ko at lumapit siya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Wala kang maalala? Sigurado ka?" mapang akit na sabi niya sabay haplos sa balikat ko.
Napalunok naman ako sa mga naiisip ko. Agad akong tumayo sa kama at hinanap ko ang sapatos ko.
"Teka saan ka ba pupunta? Hindi ka ba nasiyahan sa ginawa natin kagabi?" nakangiting sabi niya.
"Hindi! Layuan mo nga ako!" sabi ko sa kanya at pinihit ko na ang door knob saka lumabas ng kwarto.
Naglakad na ako palayo saka inaalala ko ang nangyari kagabi? Huminto muna ako saglit. Kahit na masakit ang ulo ko naalala ko na wala namang nangyari. Tama!
"Tss sabi na nga ba pinagloloko ako nung babaeng yun eh. Wala naman talagang nangyari," sabi ko sa sarili ko at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
"Hey mister! You forgot your tshirt. Thank you naentertain mo ako kagabi," natatawang sabi niya at saktong pagkalingon ko ay hinagis niya ang tshirt ko at nasalo ko naman yun agad.
Tss. Ayan di ko pa pala nasuot ang tshirt ko dahil sa kalokohan niya.
Maglalakad na sana ako pero natigilan ako at nabitawan ko ang tshirt ko dahil sa babaeng nakatayo sa harap ko.
Narinig ba niya? Naku lagot baka kung ano ang isipin niya.
"Jane."
Jane POV
Ano ba Jane?! Bakit ka ba umiiyak? Napatigil ako sa paglalakad at pinunasan ko ang luha ko.
"Tanga mo Jane," sabi ko sa sarili ko.
Akala ko iba siya. Akala ko totoo yung sinasabi niya sa akin. Buti na lang habang maaga pa nalaman ko na ang totoo na playboy talaga siya , na totoo ang hinala ko na pinagtritripan niya lang ako.
"Pero bakit ang sakit sakit?" Naiiyak na sabi ko.
Aminin ko na bawat kasama ko siya kasiyahan ang nararamdaman ko. Nasanay na akong nanjan siya. Pero nililimitahan ko lang ang sarili ko at tama lang pala ang ginawa ko.
Nagulat na lang ako na may yumakap sa akin mula sa aking likod. Kahit na hindi ko tignan kung sino iyon ay kilala ko naman dahil sa kanyang amoy.
"Jane," tawag ni Chase sa pangalan ko at naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin.
"Bitawan mo ako," Pagpupumiglas ko sa kanya dahil kung hindi pa ako makaalis dito baka maamin ko pa sa kanya na nagugustuhan ko na siya.
"Wala naman nangyari sa amin eh. Maniwala ka," pagpapaliwanag niya sa akin.
"Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo. Wala naman akong pake kahit anong gawin mo," sagot ko sa kanya pero hinigpitan niya ulit ang yakap niya sa akin.
"Umiiyak ka," sabi niya at pinaharap niya ako sakanya.
"Hindi porket umiiyak ako ikaw na ang dahilan. Wag mong akuin ang hindi naman para sayo," Pagsisinungaling ko.
"Jane, hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa kwarto ng babaeng yun eh. Ang huli kong natatandaan ay umiinom ako sa bar na malapit dito," napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Ganyan naman lagi ang excuse niyong mga lalake eh. Kesyo hindi niyo alam ang ginagawa niyo dahil lasing kayo," tumalikod na ako ulit sa kanya.
Hindi ko na kasi kaya na tignan siya baka bumigay lang ako at maniwala sa mga sinasabi niya.
"Tigilan mo na ako. Kakalimutan ko na lang lahat ng sinabi mo sa akin," umalis na ako agad at hindi ko na hinintay na makasagot siya.
Bawat hakbang ko ay ang pagkirot ng puso ko. Parang tinutusok ito ng libo libong mfa karayom.
Oo na nagseselos ako! Nasasaktan ako! Pero anong panama ko dun sa babae. Maganda na mukhang mayaman pa. Hindi talaga ako bagay sa isang Chase Smith.
Napatigil ako sa paglalakad dahil may humila sa akin. Yun pala si Chase hinabol niya ako. Seryoso ang mukha ni Chase.
"Ano ba?! May trabaho pa akong gagawin," pagpupumiglas ko pero hindi niya ako iniimik.
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isang pintuan. Dito siya galing kanina. Anong ginagawa namin dito? Napakunot noo ako nang pindutin niya ang doorbell at kumatok pa ito.
Maya maya bumukas na ang pintuan at nakita ko yung babaeng kasama ni Chase buong magdamag. Nakasuot na siya ng red dress at nakalugay na din ang buhok niya na sa dulo ay nakakulot. Naka heels na din siya. Nayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.
"Oh bumalik ka baby boy. May kasama ka pala," ramdam ko ang pagbabago sa boses niya mula sa malambing ay naging sarkastiko ito. Ramdam ko din ang pagtingin niya sa akin mula paa hanggang ulo.
"Siya si Jane," inangat ni Chase ang mukha ko at nagtama ang paningin namin nung babae. Nakataas na ang isa niyang kilay. Jusko Chase ano ba itong ginagawa mo.
"Jane? Ah so siya yung kinukwento mo kagabi na mahal mo pero hindi ka mahal?" nagulat ako sa sinabi nung babae. Bigla din bumilis ang t***k ng puso ko.
"K-kinukwento?" tanging nasabi ko.
"Bakit ba kayo nandito? Nakakaistorbo kayo." biglang pagsusungit ng babae.
"Tara na Chase ano ba?" lalakad na sana ako kaso hinila nanaman niya ako sabay akbay sa akin.
"Oo, siya yung babaeng mahal ko. Kaya sabihin mo sa kanya na wala naman talagang nangyari sa atin!" pagsusungit din ni Chase.
"Jealous eh?" sabi niya sabay ngisi. "saka hindi pa naman kayo kasal ni baby boy kaya ano naman ngayon kung merong nangyari sa amin?" hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sampalin sa mga oras na ito.
"Pero don't worry wala. Hindi ako nakikipagtalik kapag lasing ang isang lalake. Nakakapagod yun dahil ako lang ang gagalaw," sabi niya sabay kindat sa akin.
Grabe naman ang bunganga ng babaeng ito.
"Tss. Narinig na namin ang gusto namin marinig. Let's go Jane," sabi ni Chase at hinila na niya ako. Pero narinig ko pa ang isinigaw ng babae.
"Hey Jane! Ingatan mo si baby boy ha? Kapag nasaktan yan aagawin ko yan sayo."
Nakalabas na kami ng hotel pero hawak hawak pa din ni Chase ang kamay ko. Bakit ba ang hilig manghila ng lalakeng to.
"Bitawan mo na ako," pasigaw na sabi ko sa kanya at binawi ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero isang ngisi lang ang iginanti niya sa akin.
"Naniniwala ka na?" nakangiting tanong niya.
Hindi ako sumagot sa kanya baka kasi bumigay ako sa mga titig niya sa akin.
"Mauuna na ako," sabi ko at hindi ko napigilan na ngumiti.
"Nakita ko yun ngumiti ka na," Masayang asar sa akin ni Chase kaya naman naglakad na ako.
"Hindi ah. Sige mauuna na ako madami pa akong gagawin," sabi ko at tumakbo na ako habang hindi ko pa din mapigilan na huwag ngumiti. Ngayon ko na lang kasi ulit ito naramdaman eh.
"Puntahan kita mamaya ha date tayo," rinig kong sigaw ni Chase pero hindi ko na siya nilingon.
Buong maghapon akong hindi ginulo ni Chase sa trabaho. Kanina pa ako palingon-lingon baka kasi nanjan na siya.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Bakit ko ba iniisip ang taong yun?
"Ay sorry," bigla kong sabi dahil nasanggi ko si Mila na may dala dalang tray na may lamang baso na may tubig. Buti na lang at hindi yun natapon. Nag mamap kasi ako eh.
"Kanina ka pa wala sa sarili ah. Kanina mo pa din nililingon ang entrance tuwing may papasok na guest. May hinihintay ka no?" pang aasar sa akin ni Mila.
"Naku Mila, kung anu-ano nanaman ang naiisip mo." Sabi ko at pinigilan ko ang ngiti ko. Mas lalo niya lang kasi ako aasarin eh.
Tinago ko na lang ang map at pumunta ako sa counter at inayos ko naman ang pagkakasalansan ng mga baso.
"Ay Chase!" Sabi kong bigla. Paglingon ko nakita ko si Mila. Ginulat ba naman ako with matching sundot pa sa tagiliran ko.
"Uyy sabi na nga ba eh," sabay tawa ni Mila.
"Mila naman eh,"
May inabot na box sa akin si Mila at malapad ang ngiti niya.
"Ganda mo talaga te." Sabi niya sabay kindat sa akin at bumalik na siya sa trabaho niya.
Napatingin ako sa box na hawak ko. Kanino naman kaya galing to? At may letter pa. Pumunta ako sa stock room at nilapag ko ang box sa lamesa doon. Binasa ko muna ang nakalagay sa letter.
To my future wife ,
Wear this and meet me at the beach :)
Poging C
Binuksan ko ang box at tumambad sa akin ang isang white off shoulder na dress. Simple lang ang dress dahil wala itong kung anu-ano na mas ikinaganda niya. Inilapat ko ito sa akin at sakto lang ang haba niya. Hindi rin siya malaswa tignan kaya naman masusuot ko talaga ito.
"Pero sa itsura pa lang ng damit mukhang mamahalin na," nalungkot ako dahil nagustuhan ko pa naman ang damit pero ayoko tanggapin ito. Nakakahiya sa kanya.
Itinupi ko na ang damit at ibabalik ko na sana sa box pero may nakita pa akong isang letter.
P.S. pogi ko
P.S.S. suotin mo yan kung hindi ako ang mag susuot niyan sayo sige ka. Bleeh
Your future husband
Ayan ang nakalagay sa sticker. Napabuntong hininga ako dahil kilala ko siya. Isip bata talaga. Napatingin ako ulit ako sa dress at napangiti naman ako na kinikilig.
"Jane?" tawag sa akin ni Mila.
"Nasa stock room ako," sigaw ko para marinig niya ako at dali dali kong nilagay sa box ang dress at lumabas ng stock room.
"Ma'am nandito pala si Jane eh," napakunot noo ako dahil sa narinig ko sinong ma'am?
Paglabas ko ng stock bumungad sa akin ang nakangiting si Ma'am Kim pero wala na si Mila.
"Ma'am Kim?" Takang tawag ko sa kanya.
"Ako ka ba Jane wag mo na akong tawaging ma'am. Magiging ate naman kita soon eh," nakangiting sabi sa akin ni maam Kim. Namula at nahiya naman ako sa sinabi niya.
"Pero ma'am --- "
"No buts okay? Call me Kim okay ate Jane? Hihihi," napapangiti na lang ako sa ka-cutetan ni Kim
"Anyway, nakita mo na ang dress? Ang ganda diba? Ako pumili niyan si kuya kasi walang ka-taste taste pagdating jan eh," siya ang pumili nito? Naiisip ko nga kung baka si Chase ang pumili baka puro kalokohan lang.
"O-oo, maganda pero hindi ko matatanggap alam ko namang mahal to eh," Sabi ko at napayuko ako.
"Ah ate Jane sayang naman yung surprise ni kuya Chase kung hindi mo siya sisiputin. Oopps " napatakip naman siya sa bunganga niya.
"S-surprise?" gulat na tanong ko.
"Ang daldal ko. Tara na," hinila na ako ni Kim papunta sa cr at hindi na ako nakapalag sa kanya.
"Sige na ate malapit na lumubog ang araw magbihis ka na," seryosong sabi ni Kim kaya wala akong nagawa kundi ang magbihis.
"Panget ba?" tanong ko dahil nakatulala sa akin sina Kim at Mila pagkalabas ko ng cr.
"Bagay na bagay kaya sayo ate. Ang galing ko talagang pumili," Sabi ni Kim at pumalakpak pa.
"Oo nga ma'am kaso hindi bagay sa dress yung suot niyang black doll shoes," sabi naman ni Mila.
Pag kasi duduty ako doll shoes na plastic ang sinusuot ko para kumportable ako. Saka wala naman kasi ako pambili ng mga sandals eh.
"Girls scout yata ako. Tadaaaaah," sabay labas niya ng isang simpleng puting sandals din wala itong heels.
"Sobra-sobra na ata ito," Napakamot ako sa ulo ko.
"Ay! tumahimik ka na lang jan girl at enjoyin mo ang date mo yieeeee," pang aasar ni Mila na humila ng isang upuan at pinaupo ako.
Nagulat na lang ako dahil si Mila ang nagsuot ng sandals sa akin.
"Mila kaya ko naman eh," pero parang bingi si Mila hanggang sa natapos na siya pagsuot sa akin ng sandals.
"Kulang na kasi tayo sa oras ate eh," sabi naman ni Kim at nagmamadali siyang ayusin ang buhok ko.
Nakakahiya dahil mula kaninang tanghali ay wala na akong suklay suklay. Nilagyan pa ako ni Kim ng konting blush on, kilay at lipstick na manipis. Aangal pa sana ako kaso alam ko naman na hindi rin ako titigilan ni Kim eh.
"Ayan perfect!" tuwang-tuwa na sabi ni Kim at nag apir pa sila ni Mila.
"Nakakahiya naman," nakayukong sabi ko pero nagulat ako dahil hinila na ako ni Kim palabas ng resto. Magkapatid nga sila hilig mang hila.
"Sige na ate enjoy your date," Sabi ni Kim at kinindatan pa ako.
Naglalakad na ako papunta sa beach hindi naman ganun kalayo yun mula sa resto. May mangilanngilan pa akong nakakasalubong na mga tao pero nang malapit na ako sa beach wala na akong makitang tao. Pag gantong oras alam ko madaming tao dahil nanunuod sila ng sunset. Ngayon ko lang napansin na malapit na nga lumubog ang araw.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong lalakeng naka white polo na nakatayo paharap sa dagat. Nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at nililipad ng hangin bahagya ang kanyang buhok. Bakit mas gumwapo siya sa paningin ko ngayon? Biglang bumilis ang t***k ng puso dahil lumingon na siya sa akin.
"Akala ko hindi ka na darating," sabi niya nang lumingon na siya.
"Takot ko lang na ikaw ang magbihis sa akin," nakangiting sabi ko. Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
Nakita ko na napangiti naman siya ng malawak dahil sa sinabi ko. Umatras naman siya bahagya at iginaya niya sa akin ang hugis pusong mga kandila at sa loob niyon ay may nakalatag na puting tela na pwede namin maupuan. Tapos may iilan ding pagkain.
Tapos may bonfire pa at meron pang puting tent na may mga ilaw pa na parang sa christmas tree ang nakapalibot sa tent. Sa loob ng tent ay may mga unan na hugis puso din. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganitong surprise. Simple pero alam kong pinag effortan niya.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at naglakad kami papasok sa hugis pusong mga kandila.
"Nagustuhan mo ba?" parang nahihiyang sabi niya.
"Oo naman grabe ang ganda kaya," natutuwang sabi ko.
"Pero worth it ba ako sa ganitong surprise?" biglang seryoso ko. Alam ko naman kasi ang estado ko baka nabibigla lang siya. Saka hindi pa niya ako kilala ng lubusan. Magsasalita pa sana ako kaso nauhan na niya ako.
"Oo naman Jane worth it ka. Kaya nga kukunin ko ang chance na ito para tanungin ka," pag binabanggit niya ang pangalan ko ang sarap-sarap pakinggan.
Bigla akong kinabahan sa itatanong niya sa akin. Nagulat na lang ako ng lumuhod siya sa akin.
"Jane? Pwede ba kitang ligawan? Promise ko sayo na hindi kita madadaliin. Papatunayan ko talaga sayo na gusto kita ay hindi mali. Na love at first sight ako sayo. Mahal kita Jane. Sana naman bigyan mo ako ng chance para mapatunayan ang pagmamahal ko sayo," sabi ni Chase habang hawak ang kamay ko at may necklace siyang hawak sa isa niyang kamay.
Talaga bang worth it ako para sa isang Chase Smith? Matagal ako bago makasagot. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Nakikita ko ang pagka sincere ni Chase sa kanyang mga mata. Parang hindi ko kaya na makita na masaktan siya. Wala naman sigurong masama kung bigyan ko siya ng chance diba?
"Y-yes bibigyan kita ng chance," naiiyak na sabi ko sa kanya. Saktong paglubog ng araw.
Nakita ko naman ang pagkaaliwalas ng mukha ni Chase. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Pero isa lang ang alam ko. Masaya ako sa desisyon ko.
"Thank you. Thank you Jane. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya," sabi niya at niyakap niya ako. Kaya naman niyakap ko din siya pabalik.
"Sana hindi ako nagkamaling bigyan ng chance ang isip batang katulad mo," natatawang biro ko sa kanya.
"Isip bata pala ha?" sabi niya at nilagay niya muna sa bulsa niya ang necklace at kiniliti ako kaya naman tumakbo ako palayo sa kanya hinabol naman niya ako.
Kaso biglang kumulog ng malakas at umambon. Hinila niya ako papasok sa loob ng tent hanggang sa lumakas ang ulan at lumakas din ang hangin. Namatay na din ang mga kandila at basang basa na din ang kahoy na pang bonfire na sana. Dahil tela ang ginamit ni Chase para sa tent kaya naman tumatagos ang ulan. Kaya no choice kami kundi ang lumabas ng tent dahil ganun din naman.
"Wrong timing naman tong ulan na to," nakangusong sabi ni Chase kaya naman natawa ako sa itsura niya.
Basang-basa na kaming dalawa pero wala kaming planong sumilong. Nag eenjoy pa kasi kaming dalawa.
"Tawa ka jan," sabi ni Chase bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya naman naestatwa ako dahil sa ginawa niya.
Akala ko hahalikan na niya ako yun pala sinuot niya sa akin ang necklace. Pagkatapos niyang isuot ang necklace sa akin ay tinignan niya ako ng seryoso. Sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Nakatingin lang din ako sa mga mata niya. Napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at napapikit dahil hinalikan niya ako sa noo.
"I love you Jane thank you sa binigay mong chance. I will never waste it. Never."
---