Chapter 49 "Marahil ay nabulag ako ng kainosentehang ipinapakita mo sa akin. 'Yun pala... 'Yun pala..." hindi matuloy ni Chase ang kanyang sinasabi dahil parang pinipiga ang kanyang puso. "'Yun pala ano?! Sabihin mo Chase! Isipin mo na ang gusto mong isipin. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin pero p-please pakinggan mo naman ako," pagmamakaawa ni Jane sa kanyang asawa. Hindi lubos maisip kung bakit nagawa siyang pagtaksilan ni Jane. Ginawa naman niya ang lahat upang maibigay ang pagmamahal na nararapat para kay Jane. Dahil sa halo-halong emosyon ay nagawa niyang pagsalitaan ng masakit si Jane kaya naman nasampal siya ni Jane. Umalis si Chase na hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag ni Jane. Dahil para kay Chase ay tinapakan ni Jane ang pagkalalake niya. Alam ni Chase

