Chapter 48 "P-please Jane, hon, please huwag mo ako iwan," humahagulgol na wika ni Chase habang hawak niya ang kamay ni Jane habang nagmamadali sila upang madala sa operating room si Jane. Nag-aalala na kasi noon si Chase kay Jane dahil hindi pa rin umuuwi sa kanila si Jane. Kaya nagtanong-tanong siya sa kanyang mga katrabaho kung nakita ba nila o alam nila kung saan pumunta si Jane. Hanggang sa naalala ni Chase ang apartment ni Jane. At halos mawalan ng malay si Chase ngunit pinatatag niya ang loob niya dahil kailangan pa niyang madala sa hospital ang kanyang asawa. Hindi tuloy alam ni Chase ang kanyang iisipan at gagawin. Nagkulang ba siya bilang asawa kay Jane? Nasaktan niya ba ito? Bakit magpapakamatay si Jane? Bakit niya i-ooverdose ang kanyang sarili? Bakit siya niti iiwanan? H

