Kagaya kahapon ay naabutan ni Jane na nagluluto ng agahan si Chase sa may kusina. Habang pinapanuod niyang nagluluto si Chase ay naalala niya ang nangyari kahapon sa W2. Hindi na nasagot ni Chase ang tanong ni Jane dahil tumawag ang mama nito sa kanya. Nakapag usap na rin silanv dalawa at pumapayag na din si Chase na magtrabaho siya doon. Habang nag aayos ng hapag si Chase ay may naalala si Jane. "Ini-invite ka nga pala ni Miss Elizabeth, grand opening ngayon ng W2," sabi ni Jane habang paupo sa upuan. "Ayokong pumunta," mabilis na sagot ni Chase kay Jane. "Okay, halika na Jenny kakain na," sagot naman ni Jane at nagsandok na ito ng kanin nilang tatlo habang si Jenny ay inilapag ang laruan niyang barbie doll sa sofa. "Hindi mo ako pipilitin?" nagtatakang tanong ni Chase kay Jane. "Ba

