Itinuro ni Jane kung saan banda ang bahay nila. Pagka-park na pagka-park pa lang ng kotse ni Wayne ay tinanggal na agad ni Jane ang seatbelt niya atsaka bumaba ng kotse. "Chase," tawag ni Jane kay Chase na nag-aabang sa pag-uwi nito. "Nasaan si Jenny?" natatarantang tanong nito kay Chase na nakatingin sa kotse ni Wayne. "Chase ano ba?!" hindi sinasadyang masigawan ni Jane si Chase. Talagang nag-aalala lang si Jane sa kapatid. Dahil walang makuhang sagot si Jane kay Chase ay tatakbo sana papasok sa loob si Jane pero napigilan siya ni Chase. Dahil akala ni Wayne na may problema si Jane ay bumaba ito mula sa kotse niya. "Jane? May problema ba?" tanong ni Wayne kay Jane at napatingin si Wayne kay Chase na nakahawak sa kamay ni Jane. "Wala Wayne, salamat pala sa paghatid mo sa akin d---,"

