"Magkakilala na kayo? Great, alam ko na pwedeng-pwede siya dito," nakangiting sabi ni Wayne. Aatras na sana si Jane dahil sa babaeng kaharap niya. Pero hindi man lang magawang maihakbang ni Jane ang kanyang paa. Saka nahihiya siya kay Wayne kung aatras siya. "Let's see," sagot ng babaeng naka red na dress at high heels din na red. Tila paborito nito ang kulay pula dahil maski ang kanyang lipstick ay kulay red na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian. Nakakulot din ang kanyang buhok na umaabot ng kanyang bewang. Light eyeshadow lang ang ginamit nito para sa kanyang mata at bumagay ito sa sophisticated nitong itsura. Siya yung babaeng nakita ni Jane na kasama ni Chase noon sa hotel. Pero napatunayan naman ni Chase na walang nangyari sa kanilang dalawa at galing na din iyon sa bibig

