Third Person POV "Parang ang dami na yata nito Chase?" Halos mapuno na kasi ni Chase ang cart ni Jane ng gamit nito para sa kursong kanyang kinuha. "Kailangan mo naman ito Jane, saka 'wag kang mag alala ako naman ang magbabayad. At sa gamit naman ni Jenny si Cyril na ang bahala doon," sabi ni Chase at ginulo nito ang buhok ng dalaga. Pagkatapos kasi nilang kumain kaninang umaga ay inaya na siya ni Chase pumunta ng mall. Habang si Cyril at Jenny ay pumunta sa school na papasukan ni Jenny para i-enroll siya at kasabay nun ay bibilhan ni Cyril ng gamit si Jenny. "Tama na siguro ito Chase panigurado ako na sasapat na 'to sa isang taon," "Sige na nga, tara na sa cashier kumpleto ko na din ang gamit ko," sabi ni Chase na siyang ikinatango ni Jane. Maglalakad na din sana si Jane pero napada

