Farewell

1074 Words
FELIZA'S POV Gaya ng sabi ni Manjoe, tumuloy siya sa condo ko hanggang sa tuluyang nawala ang lagnat ko at nabawi ko ang aking lakas. Parang isang napakalaking milagro nga eh. Dahil sa loob ng dalawang araw na magkasama kaming dalawa, walang bangayan, asaran at palitan ng nakakainsultong salita na nangyari. Kung hindi lang dahil sa nunal niya sa taas ng labi, iisipin ko na si Kuya Joemar ang kasama ko. Ang twin brother ni Manjoe. Sobrang bait kasi ni Kuya Joemar at super close kaming dalawa. Maliban sa sobrang pag-aasikaso niya sa akin, nakapagtataka rin ang sobrang katahimikan ni Ugok. Pansin ko din na parang aburido siya. Panay ang ring ng phone niya at lumalayo siya sa akin tuwing sasagutin niya ang mga tawag. Pero hindi nakaligta sa pandinig ko nang banggitin niya ang tungkol sa flight details sa sino mang kausap niya sa phone. "Feliza, as much as I want to stay here with you until tomorrow, kailangan na kitang ihatid sa inyo ngayon. May aasikasuhin akong importanteng bagay." Sabi ni Manjoe matapos niyang makipag-usap sa phone niya. "No need. I'll stay here. You can go ahead." Sagot ko. "I insist. Wala kang kasama dito at sa katigasan ng ulo mo, panigurado magpupuyat ka na naman hanggang umaga. Mas maiging maihatid kita sa bahay niyo. Buti doon, mababantayan ka ni Yaya Ana" "But I'm no longer a kid! I can take care of myself!" "Huwag matigas ang ulo, Ma. Feliza. Nasa kotse ko na ang ibang gamit mo. Let's go." Nagpatiuna na siyang naglakad. Woah, how bossy! Akala ko pa naman tuluy-tuloy na ang mala-tupang transformation ng pag-uugali niya. Back to Ugok na naman yata. Nakasimangot na humalukipkip ako habang nasa sasakyan niya kami. Hindi ko siya kinikibo. "Ang nguso mo, puwede nang talian ng lubid dahil sa sobrang haba." Pang-aalaska niya sa akin. Hindi ko siya inimik hanggang sa makarating kami sa bahay. "Hanggang dito na lang ako, Feliza. You take care." Sabi niya. Nakatayo kaming pareho sa tapat ng gate. "Wait, are you leaving? I mean, aalis ka ng bansa?" Bigla kong naitanong. Naalala ko kasi ang narinig kong pakikipag-usap niya sa phone. "Yeah. And for sure, magpapa-party ka dahil sa sobrang tuwa. Iyon naman ang gusto mo 'di ba? Ang ma-dispatsa ako?" Sarkastiko niyang sabi ngunit hindi ko na lang pinatulan. "Saan ka pupunta? Kailan ka babalik?" Ako man din ay nagtataka. I thought he's staying here for good. Hindi ko rin malaman kung bakit nakaramdam ako bigla ng lungkot. Noon, palagi kong hinihiling na sana hindi ko siya makita. Na sana maging invisible na lang siya para hindi masira ang bawat araw ko. But now, taliwas doon ang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. "Don't act like you really care. Kasi alam kong wala kang pakialam sa akin. Kaaway mo nga ako 'di ba? And to answer your questions, babalik na ako sa Germany. I don't know kung kailan ulit ako tatapak dito sa Pinas. And one more thing, wala naman akong dapat balikan dito, di ba?" "Business. Properties. Hindi ba dapat balikan ang mga 'yan?" "They're nothing, Feliza. You know why? Iisa lang ang property na gusto kong mapasa-akin. Kaya nga bumalik ako dito. But sad to say, mapapasa-kamay na ng iba. So what's the use of staying?" "You said, mapapasa-kamay. Ibig sabihin, hindi pa pag-aari ng iba. Puwede pa'ng mapasa-iyo kung ganoon." Umiling-iling si Manjoe. At mataman akong tinitigan. Nako-conscious tuloy ako. Hindi ko maarok ang takbo ng iniisip niya. "Feliza, for the last time, can I kìss you?" Nanìgas ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? "Forget it, Feliza. I need to go." "Yes." Natigil ang paghakbang niya. Nakakunot ang noo niyang humarap uli sa akin. "Kìss me." Without another moment to spare I realized that he's prëssing his lìps to minë. Naramdaman ko ang paggalaw ng labì niya. He's mōving so slōwly. Marahan, buong pagsuyo. Tinugon ko ang halik niya. I know it's wrong. But I don't care. Ang marahang halik ay naging mapusōk. Nangunyapit ako sa lëëg niya. Sinunggaban ko ang dìla niya nang maipasok niya sa loōb ng bìbig ko. Napaungōl kaming pareho dahil sa sarap na hatid ng pagtatagisan namin ng dìla. After what it seems like an etërnity he pull away. Sinapo niya ang mukha ko. "So this is farewell now, Feliza. A sweet farewell. Be happy and I want you to take care always. Thank you sa pabaon mo'ng halik." Nakangiti man pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Tell me, dahil ba sa pag-reject ko sayo kaya aalis ka? 'Di ba sobrang kapal naman ng mukha mo? Para 'yon lang aalis ka na? Eh 'di ba kaliwa't kanan naman ang mga babae mo? Bakit mo didibdibin 'yon?" "Asa ka naman na 'yon ang dahilan. Isipin mo na lang na aalis ako kasi namis na ako ng mga babae ko sa ibang bansa. At isa pa nakakasawa na rin ang purong Filipina." "Hindi ka talaga galit sa akin?" Tanong ko pagkaraan. "Hindi. Ba't naman ako magagalit sa'yo? Dapat nga magpasalamat ako kasi hindi naging boring ang pag-stay ko rito. 'Yon nga lang mami-mis kitang asarin at galitin. Sabihin mo sa lampa mo'ng fiancé na igapos ka na agad dahil kapag nagkita uli tayo at hindi ka pa niya napapakasalan, I swear, by all means, aagawin kita sa kanya." "Okay. Von voyage then." Nakayuko kong sabi. Laking pasasalamat ko kasi hindi pumiyok ang boses ko. "Be happy, Ma. Feliza." Iyon lang at nagmamadali na siyang sumakay sa kotse niya. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan ang papalayo niyang sasakyan. That's it? Ganoon lang 'yon? Kahit kailan ang labo niya. Nakakainis siya! And at the same time, naiinis ako sa sarili ko. I don't know why I'm hurting! MANJOE'S POV I've caused her a lot of trouble already. Labag man sa loob ko, mas maigi nang lubayan ko siya. Call me coward! Call me stupid! I don't care! All I know is that I'm no good for her. She deserve someone better. Mas mabuti na 'yong ganito. I just hope na sasaya siya sa piling ng lalaking 'yon. Na hindi na siya pakakawalan pa. Dahil kapag nag cross ulit ang landas namin ni Feliza at hindi pa sila naikakasal, by hook or by crook, manunulot si Ugok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD