FELIZA'S POV
"My goodness! At hindi ka talaga nahiya? Mismong sa gitna ng dance floor ka nakipag-makè-ōut sa taong hindi mo kilala? Kunting delikadesa naman, Fel! Hindi ka mawawalan ng lalaki para umasta ka ng ganyan. Hindi ka pakawalang babae, oy!"
Grabe. Humapdi na yata mga eyeballs ko sa kaka-roll.
Hindi nga ako nagkaroon ng bungangerang nanay pero
kina-career na yata ni Crystal ang proxy ng mudrang kong matapos ata ako iluwal sa mundo eh naglaho na lang na parang bula. Nag-undertime pa naman ako sa office para ibalita na may bago na akong jowa.
Dapat sana last week ko pa
i-share sa kanya pero naging busy ako sa work.
Kahit super active ang social life ko, subsob din ako sa trabaho.
Sa company nina Lolo at Lola ako nagtatrabaho as a Marketing Director of Azurin Corporation.
It's Asia's largest gin producer by volume as well as the market leader in the domestic hard liquor market, with core products such as FS Gin, Crown Gin and Gran SX Brandy.
It also produces and sells distilled spirits in Germany under a joint venture agreement with
Merkel-Labrador Group of Companies.
In addition, it has a non-alcoholic beverage business, which produces and sells
non-carbonated ready-to-drink tea and fruit juices.
Azurin Corporation owns one distillery, three liquor bottling plants, one cassava starch milk plant and five toll bottlers strategically located throughout Philippines and one bottling plant and one distillery in Germany.
"Bakit natahimik ka bigla?"
Ani Crystal na umaaktong inaarok ang kaila-ilaliman ng utak, puso at kaluluwa ko.
"Bestfriend, correction lang ah, boyfriend ko na si Mer. Kaya nga may palitan na ng lāway na nangyari noong gabing yun eh."
"Naman Ma. Feliza. Bakit ang easy to get mo! Boyfriend, agad-agad? Kaka-break niyo lang ni Mario, Alfredo, Godofredo, Macario at Rodolfo ba yun? Haist sumasakit ang sentido ko sa'yo. Hindi pa nga ako nakaka-get-over sa annoying costumer na yan kahapon, heto't dumagdag ka pa!"
"You mean luma-love life ka na rin Crystal? Improving ka ah. Isang buwan pa lang mula nang makabalik ka galing sa
Sta. Praxedes pero nagwawala na yata si heart mo.
Lume-level up ka na."
"Ikaw ang issue dito. Hindi ako. Bakit kasi hindi ka na lang lumagay sa seryusong relasyon? Napakaganda mo naman at mautak. Magpakasal ka na lang kaya. Tutal 24 ka na."
Umasim ang mukha ko dahil sa sinabi ng bestfriend ko. Hindi iyon mangyayari. Ayukong magpasakal!
"No way! I won't get married! Wala yan sa plano ko. I love my freedom. No hassle. Sakit ng ulo lang ang kasal-kasal na yan."
"Eh paano nga kung iyang Mer na yan ay hindi lang fling ang gusto? Paano kung ma-in love
ka sa kanya? Paano kung
mag-propose 'yon ng kasal? Hindi lahat ng lalaki ay gustong maging jowa-jowahan mo lang ng pansamantala Feliza."
Napaisip ako bigla. Oo nga ano? Pansin ko rin na iba si Emerson sa mga lalaking naging boyfriend ko. Ito yung tipong naniniwala na ang kasal ay sagrado.
He's a family man. Mas gusto nitong malagay sa tahimik na buhay kaysa maglaro. Iyon kasi ang parating pasaring nito sa akin.
Two weeks na ring kaming magkasintahan. At hindi ko maitatangging nae-enjoy ko ang company nito. Mukhang napasubo yata ako.
Hindi magandang senyales ito.
"Alam mo'ng kahit noon pa, ilag ako sa usapang kasal na 'yan."
Seryuso kong sabi.
"Why is that? Don't tell me na takot ka na baka hindi siputin sa simbahan gaya ng ginawa sa akin ni Salvo? Hindi magkakapareho ang mga lalaki, Fel. Gaya ng hindi pagkakapareho ng size ng mga daliri natin. Kaya huwag natin silang lahatin."
"Alam ko naman 'yon. Basta huwag na nga nating
pag-usapan ang tungkol diyan. Isa pa, pumayag naman si Mer sa set up namin."
"Ano'ng set up?!"
Histerikal na si Crystal.
Kung bakit naman kasi nadulas ang pinakamamahal kong díla.
"I'm asking you Ma. Feliza! Ano'ng set up, ha?"
"A-ano friend. We're in an open relationship. Sabi ko 'yon ang klase ng relasyon ang gusto ko. Luckily, pumayag naman si Mer basta daw huwag ko siyang i-break."
"Open relationship? Ano yun? Explain!"
Grabe naman ang isang ito. Alam na nga itatanong pa. Nakakatamad kayang magsalita. Buti pa ang mag-hunting ng pogi nakakawili.
"It means 2 people are boyfriend-girlfriend but they agree to see other people at the same time they are dating. It's not cheating because we allow it so my boyfriend can go out with another girl, makë-ōut, etc. And I can go out with another man, makë-ōut or whatever. We are still together but we see other people at the same time and we are fully aware of it."
Napahiyaw ako nang biglang hilahin ni Crystal ang buhok ko.
Kahit kailan talaga ang sadísta ng babaeng ito.
"Baliw ka na talaga Feliza! Akala ko pa naman, magtitino ka na. Isa ring baliw ang Mer na 'yan at pumayag sa gusto mo. Alam mo, malala ka na talaga! Baka nga hindi maagapan ang saltik mo sa ulo. Sino'ng matinong babae ang makakaisip niyan, ha? Ang sarap mo'ng iuntog sa pader nang matauhan ka."
"Mas mabuti na 'yon Crystal kaysa magpatali sa seryusong relasyon pagkatapos ikaw din ang iiwang luhaan sa bandang huli kapag nalaman ang isang bagay na hindi mo naman kayang ibigay. Iiwan ka kapag hulog na hulog ka na."
"Kahit na, Fel. Tignan mo ako, iniwan ng dalawang taong mahal ko sa iisang araw. Pero unti-unti naman akong nakakabangon. Kung mahal ka talaga ng lalaki, matatanggap ka naman ng buo."
"Sige na nga alis na ako. Masyado na kasi tayong
ma-drama. I-text mo na lang ako kung kailan ang bonding natin nina Brandon at Danilo."
"Okay. Isama mo na rin si Mer para makilatis ko."
"Oo, basta free siya. Babush na Crystala!"
Sinusubukan ko na ngang makalimot pero kapag naaalala ko ang tungkol sa bagay na 'yon, sumasama ang timpla ko.
Kung bakit kasi nangyari pa ang aksidenteng 'yon?
Iyon kasi ang hadlang sa katuparan ng isang pangarap ko. Pangarap na ni sa hinagap ay hindi na matutupad.
Si Crystal lang ang napagsabihan ko tungkol sa bagay na 'yon.
Sa kanya lang ako
nakakapag-open tungkol sa maseselang bagay.
She's really my bestfriend.
I can tell her anything without her judging me or telling others what I tell her. She'll give me her suggestions but doesn't get mad if I chose my own. Nandiyan yung time na pagalitan ako at pagsalitaan ng kung ano-anu kapag may kabalbalan akong ginawa but at the end, nakasuporta pa rin siya sa akin.
When I'm down she's there to pick me up. When I'm up she's there to join me in my happiness. She likes me for the person I am and accepts I'm not perfect just as I accept her for being her.
Nagiging emosyonal ako kapag naaalala ko lahat ng kabutihan ni Crystal sa akin.
Makauwi na nga lang sa condo ko at matulog. Mali pala. Pinapapunta pala ako ni Daddy sa bahay. Sabay daw kaming mag-dinner. Mula nang
mag-move out ako, twice a month na lang ako nakakadalaw kina Daddy at Yaya Ana.
Ang bait ko ano?
Ok lang yun. Halos araw-araw ko naman sila ka-telebabad.
Si Yaya Ana nga may f*******: na nga rin. Lagi silang nambubulabog ni Danilo sa wall ko.
Magco-commute na lang ako. Coding kasi ang kotse ko. Pahirapan pa namang kumuha ng taxi kapag ganitong oras.
Mga limang minuto na rin akong nag-aabang nang may tumigil sa harap ko na sports car. Kulay gray.
"Hop in, Honey."
Nakangiting sabi ni Emerson. Wow ha, ang ganda ng timing. Hulog talaga ng kalawakan.
"Thank you. Maganda talaga ang timing mo. O baka naman sinundan mo ako?"
Tumawa ito sa sinabi ko. Wow. Ang pogi lalo na nang lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Makuha ngang model ng Gin.
Siyempre kailangan din sa komersyal yun noh.
Bago tumagay ng alak, all smile muna na parang sabik na sabik laklakin ang gin.
"Napadaan lang talaga ako, Hon. Ano, date tayo?"
"Puwede bukas na lang? May usapan kasi kami ni Daddy ngayon."
"Okay then, Honey. Bukas susunduin kita sa office mo."
Sa totoo lang ang saya nitong kasama. Parating may nakahandang topic na hindi boring kaya nakakawiling kausap. At siyempre pasimple lang din manglandi.
Okay lang naman 'yon kasi alam nito ang limitasyon.
Hindi ko nga namalayan na nakarating na kami sa tapat ng mansyon.
Nagulat nga ako nang pagbuksan ako ng pinto. Wow. Ang bilis kumilos. Hindi ko namalayang nakaibis na pala.
He offered his hand. Kumapit ako at inalalayan ako nitong makalabas. Such a gentle boyfriend.
"You're very beautiful, Honey."
Masuyong sabi nito sa akin.
He look intently at me. His eyes looked invíting. Nginitian ko ito. Since napakatangkad ni Emerson, tumingkayad ako and kíssed him passiōnately and he rësponds back so we proceeded further.
"H-honey."
Kapwa kami humihíngal nang hiwalayan nito ang mga labí ko.
"Hmm, bakit ka bumitaw?" Wala sa sariling sagot ko.
Oo na, ako na ang mukhang bítin Eh sa masārap itong humalík.
Nginitian ako ng matamis ni Mer at sinapo ang magkabilang pisngi ko.
"There's a bystander, Honey. Kanina pa tayo pinapanood." Bulong nito sa aking tainga. Siguro kung iisipin ng ibang taong makakakita sa amin ay aakalaing pinapapāk ni Emerson ang tainga ko .
Awtomatikong nilingon ko ang bystander na sinasabi ni Mer.
The normally calm and pleasant demeanor slowly changed and my face contorted in an
all-consuming anger.
My nostrils flaring, my eyes flashing and closing into slíts.
My mouth quivering.
Standing like a king in front of our gate, ang lalaking isinumpa ko buong buhay ko.
Ang lalaking kinamumuhian ko. Ang walang hiyang
MANJOE LABRADOR!
"Honey, are you okay?"
Nag-aalalang sabi ni Emerson at hinuli ang nanlalamig kong mga kamay.
Ngunit hindi ako umimik.
Sa halip ay ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg ni Emerson at walang pākundāngang hínalikan ko ito.
Sa una ay hindi ito kumilos dala siguro ng pagkabigla ngunit nang idiín ko lalo ang katāwan ko, masuyø nitong tinugon ang aking halík.
Manood lang ang bystander na 'yan.
Wala akong pakialam!