1
NAGISING nalang ako sa lakas ng katok galing sa pintuan ng aking kwarto.
"Morana!" my mom called me.
Pero nanatili parin akong pumikit.
"Morana ano ba? Wake up or I'm gonna open this!" pagbabanta nya pero di parin ako gumalaw.
"MORANA LUNA CUSTODIO!" malakas na sigaw nya kaya napabalikwas ako ng mabilis dahil pag binanggit na nya ang aking buong pangalan ay ibig sabihin lang nyan galit na sya.
"Mooom I'm alive...no, I'm awake na po." sabi ko at binuksan ang pintuan at nakita ko ang salubong nyang kilay.
"Ano bang ginawa mo at ang hirap mong gisingin?" tanong nya at namaywang pa.
"Nothing mom, una na po kayo and I'm gonna take a shower." sabi ko habang humihikab pa.
"My gosh Morana your breath smell alak." sabi pa nya at tinakpan pa ang kanyang ilong.
Natawa naman ako at ngumuso at nag ambang ikikiss sya.
"Mom lemme kiss you." habang lumalapit sa kanya.
"No! Go away! You're so gross." at tumakbo papalayo sa akin.
"HAHHAHAH si mommy talaga napaka arte akala mo naman maganda." sabi ko pa at tumalikod na at pumasok sa C.R.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain.
Nakita ko si Dad, Mom and ang panget kong kuya na kumakain na.
Lumapit ako kay Dad at humalik sa pisngi nya.
"Good morning gwapo kong Daddy." sabi ko.
"Good morning maganda kong anak." sabi nya habang nagbabasa ng dyaryo. Old.
Lumapit naman ako kay Mommy na nasa tabi ni Dad at ganon rin ang ginawa ko.
"Good morning sa napaka arte kong nanay HAHHAHAH." sabi ko pa at napanguso nalang sya.
"Okay. I will not gonna give you an Allowance." sabi pa nya.
"Nooo. I'm just kidding eto naman po di mabiro." sabi ko pa.
Alam kasi nilang 'di ako mabubuhay kung wala akong pera. My gosh mamamatay talaga ako pag ganon.
"Sit down." utos sa akin ni Dad at sinunod ko naman at umupo sa tabi ni Mom at nagsimula ng kumain.
"Hoy 'di mo ba ako babatiin?" tanong ng kuya ko na nasa harap ko. Magkaharap kasi kami, sa kanan sya ni Dad at sa kaliwa naman ni Dad si Mom.
"Pake ko sayo. Sino ka ba?" at sumubo ng Hotdog.
"Hoy! Galangin mo ako dahil kuya mo ako." sabi nya pa habang dinuduro pa ako ng tinidor.
"Wala akong pake sa'yo." at binilisan ang pagkain at hindi na sya pinansin dahil nabibingi ako sa kanya, kalalaking tao ang daldal.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil isang oras nalang magsisimula na ang klase ko.
"Mom, Dad I have to go...baka ma late po ako." Sabi ko at sinukbit ang aking Chanel bag.
"Wait honey, here's your allowance." pigil sa akin ni Dad. At napatalon naman ako sa tuwa ng marinig ko iyon at kinuha iyon.
"Ahhh oh my gosh Daddy. Thank youuuu, you love me talaga eh noooh." at humalik sa pisngi nya.
"You're welcome Baby basta ikaw." nakangiti pang sabi nya.
"Basta galingan mo lang ang iyong pag-aaral." sabi pa ng Mom ko.
"Yez naman po." at nagtatalon-talon pa.
"Mom Dad...masyado nyo naman pong ini-spoil yang pangit na yan." sabat pa ng kuya ko.
"It's okay lang Anak." sabi pa naman ng mom ko.
Binelatan ko naman ang kuya ko at sumimangot naman sya.
"Thanks po ulit. I have to go na po baka malate pa ako." paalam ko at 'di na hinintay ang respond nila.
Naghahanap ako ng mapaparkingan ko ngayon.
"WTF naman oh...kailan pa nagkaroon ng maraming sasakyan dito?" sabi ko habng palinga-linga pa habang naghahanap ng mapaparkingan.
"Ayon pakshet." sabi ko pa at umabante ako ng maunahan ako.
"WTF naman oh." galit na bulong ko at bumaba para kausapin yung nang agaw sa parking slot.
Kinatok ko ang bintana ng kanyang kotse.
"Hey! Ako ang nauna dito." galit na sabi ko.
Ibinaba nya naman ang kanyang bintana nya.
"What?" sabi pa nya at inalis ang kanyang shade.
"Ay gwapo!" biglang usal ko.
Potek naman yaaaaarn. Napaka gwapo, mahuhulog na ata panty ko nito sa sobrang gwapo eh. Ang ganda ng pagkaka ayos nya sa kanyang buhok, ang linis nya...shet at baka may abs rin 'to.
"Miss." tawag nya sa akin kaya napabalik ako sa katinuan.
"ahm yes?" tanong ko naman.
"What did you say earlier?" tanong nya pa.
"Ah nothing hehe. Bago ka lang ba dito?" tanong ko pa at inayos pa ang buhok ko.
"Ah yes." tipid nya pang sabi.
"Baka ikaw na yung binigay ni lord sa akin na paliligayahin ako araw-araw." bulong ko pa.
"Hahaha what?" tanong nya pa at kumamot sa ulo. Pre may kuto ka?
"HAHAHAHA nothing po. I'm Morana short for Morana hehe. You are?" pagpapakilala ko.
"I'm Marco." tipid na sabi nya.
Ang tipid naman magsalita nito.
"Shet ang sexy naman ng pangalan." bulong ko pa sa sarili ko.
"Who are you talking?" tanong nya pa.
"Wala wala. Sige alis na ako ah bye. Labyu." sabi ko pa pero pabulong yung huli.
Hindi ko na hinitay pa ang naging sagot nya at dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at naghanap ng mapaparkingan.
Tumatakbo ako ngayon papuntang room ko dahil baka late na ako sa kakalandi ko pero buti naman at hindi pa.
Pagkaupo ko palang sa upuan ko ay chinika ko na sa kaibigan kong si Thana ang kalandian ko kanina sa Parking lot pero mukhang may ichichika rin ito sa akin eh.
"Hoy gagi alam mo ba?" tanong nya pa.
"Hindi."
"Gagi ka."
"Ano nga?"
"May exchange student tayo. Pero college sya at ang gwapooooo." sabi pa nya at kinikilig pa.
"Ha? sino? saan? kailan?" mabilis na tanong ko.
"Kalmahan mo epep mo gagi. Basta ano sya Engineering student." sabi pa nya at pinalo ako.
Aray potaka.
"Ha? eh Second semester na bat may exchange student?" nagtatakang tanong ko.
"Iiihhh bahala na basta gwapo." sabi pa nya.
Malandi tsk.
"Hoy may ichichika ako." excited na sabi ko.
"ano? ano? ano?" excited na tanong naman nya.
Ganito talaga kami pag may chika napaka active namin.
"Sa anoooo sa parking lot." excited na sabi ko pa.
"oh tapos?" excited na tanong naman nya.
"May ano doon." sabi ko pa.
"ano nga?"
"May anoooo."
"Anong ano?"
"Basta may ano doon." kinikilig ko pang sabi habang iniisip ko yung nangyari kanina.
"Ano ba taena ka naman eh pabitin." galit na sabi nya at tumalikod sa akin.
"HAHHAHAH may pogi kasi." sabi ko kaya napaharap sya sakin. Well mahilig kami sa pogi eh para pag sasaktan kami ay oks lang kasi pogi naman.
"Talagaaa? anong nangyari? anong pangalan?" sunod sunod na tanong nya.
Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari at eto naman si malandi parang bulate kung mangisay.
"Waaah sana sumabay nalang ako sayooo." sabi pa nya at kunwareng umiiyak pa.
"Tapos Marco pa ang pangalan shet malapit ng malaglag panty ko eh buti nalang may garter." sabi ko pa.
"Malandi ka." sabi pa nya.
"I know right. Tapos alam mo yung boses nya...ughh."
"Hoy gagi wag kang umungol dito." sabi pa nya.
"HAHHAHA eh kasi naman yung boses nya parang dadalhin ka sa langit." sabi ko pa at tumingala.
"Sana dalhin nya ako sa langit." sabi pa nya.
Pinalo ko namn sya sa braso.
"Echusera ka akin sya at ako ang dadalhin nya sa langit duh." sabi ko pa.
"Hoy ang damot nito oh. Sige naaaa share your blessing naman jan."
"No. I don't share, 'coz mine is mine." sabi ko pa humalakhak pa kaya napapatingin pa mga kaklase ko sa amin.
"Maka mine 'to, ang tanong papatulan ka ba non?" tanong nya pa.
"Yes." confident kong sabi.
"balakajan hahanap nalang ako ng iba." sabi nya pa.
"Good." tipid kong sabi dahil dumating na yung Prof. namin.
Lumipas ang dalawang subject at Breaktime na namin. Pumunta kami sa Cafeteria at kung sinuswerte ka nga naman.
"Hoy si Marco oh." nakatiling sabi ko pa. Mukhang tanga naman si Thana sa kakahanap ng sinasabi ko.
"Taena ang gwapoooo." sabi nya pa at pinalo-palo pa ang braso ko.
Nakakailan na 'to ah pag ako di nakapag pigil baka nasapak ko na 'to.
"Oh 'diba ang pogi."
"Oo pogi, kaya ang daming nakatingin sa kanya eh." sabi pa ni Thana kaya napatingin ako sa paligid at tama nga sya may mga malalanding nakatingin sa kanya.
"Tsk akin yan mga tanga." sabi ko pa
"Tara lapitan natin." sabi ko pa at nilapitan namin sya.
"Hi Marco...ugh." tawag ko sa kanya pero pabulong yung huli.
"Ah Hi Morana short for Morana haha." sabi pa nya.
Kinurot naman ako ni Thana at bumulong.
"Potek akin nalang."
"Ulolz akin yan." bulong ko naman sa kanya.
"Ah pwede ba akong...kami rather sumabay sa'yo?" tanong naman nya at nagkibit balikat pa.
"Yez." bulong ko pa.
"Ah this is Thana." pakilala ko naman kay Thana.
"Hi I'm Thana." pakilala naman ni Thana at inilahad pa ang kamay nya. Pinalo ko naman 'to.
"I'm Marco." tipid na pakilala naman nito.
"Ah maghahanap muna kami ng table ah, babalik rin kami." sabi ko at tumango naman sya at nag order na, nyeta naman 'di kami hinintay umorder parang ayaw pa kaming kasabay ah.
Naghanap nalang kami ng table at nagpaiwan si Thana para bantayan ang table namin. Pumunta ako sa Cashier at nagkasalubong kami ni Marco ugh.
"Ayon ang table Marco. Mag oorder lang ako." turo ko sa kanya sa table namin.
"No need to order. Nag order na ako para sa inyo." pigil nya sa akin.
"Leh nekekeheye nemen. I mean nakakahiya naman." pabebeng sabi ko.
"No. It's fine." sabi nya pa at tipid na ngumiti.
Shet malalaglag ata yung panty ko dahil sa ngiti nya.
"Ah thank you ah. Gumastos ka pa." nahihiyang sabi ko pa habang naglalakad kami papunta sa table namin.
"I told you it's fine." sabi pa nya.
Ngiti nalang ang naisagot ko sa kanya.
Pagkadating namin sa Table ay inilapag na nya ang mga pagkain.
"Let's eat." sabi pa nya at umupo na.
Umupo naman ako sa tabi nya at binelatan si Thana, inirapan naman nya ako.
Binigay nya ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain.
Maingay talaga kaming kumain ni Thana pero 'di kami nag-iingay dahil baka ma TO sa akin si Marco uggh.
"Thana penge ng shake mo." sabi ko kay Thana.
"Luh ang kapal ng mukha mo ayaw ko nga." at hinawakan ang shake nya. Hmp damot.
"You can have mine." alok sa akin ni Marco.
"Luh nekekeheye nemen." sabi ko pa.
Sinipa naman ni Thana ang paa ko sa baba kaya napaayos ako.
"ah wag nakakahiya naman." sabi ko pa kunwari pero gustong-gusto kong inumin ang shake nya.
"No. It's fine. I don't mind." sabi nya pa.
"Talaga?"
"Yes."
"Okay." at kinuha ang shake nya at ininom.
WAAAAAAH NA KISS KO SYAAAAA WAAAAH KAGIT INDIRECT KISS YUN AY NA KISS KO SYA.
Sinisipa naman ako ni Thana sa paa. Epal naman nito.
"Salamat ah." sabi ko at ngumiti pa.
"No problem." tipid na sabi nya pa at nagpatuloy kumain.
"Ah Marco anong Grade mo na?" biglang tanong ni Thana. Oo nga noh bat 'di ko natatanong sa kanya yun.
"I'm College, 3rd year and Engineering ang course ko." sabi naman nya.
"Ah so you're the Exchange student?" tanong ko pa habang umiinom sa shake nya.
"Yes." tipid na sagot nya at tinitigan ako.
Nailang naman ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya, baka nagalit kasi uminom ako ulit sa shake nya.
"Eh bat dito mo napiling mag-aral?" tanong ni Thana.
"Ahm Nothing. Sawa na ako sa school ko dati." sabi nya pa at sumubo ng pagkain.
"Ahhh." sabay na sabi ni Thana.
Lumipas ang ilang minuto ay tapos ng kumain si Marco.
"I think I should go now." tipid na sabi nya pa at tumayo.
"ah okay, pero wait 'di pa kami nakakapag bayad sayo, Hoy Thana penge pera." sabo ko.
"No need. It's okay. My treat since kayo nauna kong nakilala dito." sabi pa ni Marco.
"Nako Thank you aaaah. Gusto ko kiss?" sabi ko pa.
"What?" tanong nya pa.
Bingi ba 'to?
"Ah wala sabi ko Thank you sa treat hehe. Hoy Thana mag thank you ka."
"Oo na wait lang. Thank you Marco ah sa uulitin HAHAHAHA charr." biro ni Thana. Walang hiya baka akalain ni Marco mukha kaming pera.
"Sure, why not?" sabi ni Marco at mahing tumawa.
"Yooon." sabi pa ni Thana. Walang hiya.
"So I gotta go. Bye." paalam nya pa.
"Bye Morana." paalam nya sa akin at naglakad papalayo.
Tumili ako ng pabulong. Ha? Pabulong? ah basta yung tumili ng 'di malakas.
"Hoy bat sayo lang nagpaalam yun?" tanong pa ni Thana sa akin.
"Baka bet nya ako waaaah."
"Tsk malandi." bulong nya pa.
"Wala kang pake at kumain ka nalang jan." sabi ko pa at uminom sa shake ni Marco ugggh.