Continuation-22

1238 Words
Imbes na sa RGL, e diretso si Kuya Gavion ay sa mansion siya pinagpahinga ni Atty Umali at sa mansion na rin siya ginamot ni Arma. Dahil dito kami dumiretso sa mansion ni Kuya Gavion gamit ang kotse ni Atty Umali, tila ba alam na alam niya na ang mga galaw ng kalaban ng pinsan ko. "Didn't he told you that he was allergic with peanuts?" mahinang tanong sa akin Joy habang pinagmamasdan naming dalawa si Kuya Gavion na natutulog. "He did, sadyang nalagyan ng waiter ang order niyang pasta ng peanuts," mahinang sagot ko rin sa kaniya. "I'm sorry, hindi ko alam na ganito pala siya kalala kapag kumain ng mani," paumanhin kong ani. "You don't have to say sorry, Lyvia wala ka namang kasalanan, kasalanan to no'ng waiter kasi hindi siya marunong sumunod sa instruction ni Gavion." Nilagnat kasi si Kuya Gavion at hanggang ngayon ay mi-no-monitor pa rin siya ni Arma baka raw kasi bigla na lang hindi makahinga nang maayos si Kuya Gavion. Ang laki niyang tao pero mahina pala siya kapag inatake ng allergy niya. Kawawa naman si Kuya Gavion. "Lyvia, ikaw muna bahala kay Gavion pupuntahan ko lang saglit si Atty Umali," paalam sa akin ni Joy at agad naman akong tumungo bilang tugon. Kaagad akong umupo sa tabi ni Kuya Gavion upang kapain ang kaniyang leeg gamit ang likod ng palad ko. Mainit pa rin siya kaya naman hinila ko pa pataas ang kumot niya hanggang sa balikat niya para pagpawisan agad siya at mabilis mawala ang lagnat nito. Maya-maya pa ay pumasok si Arma rito galing siya sa labas upang kunin ang mga gamot para sa allergies ni Kuya Gavion. "Arma, mainit pa rin si Kuya," nag-aalalang wika ko sa kaibigan. "Don't worry, may dinapat na akong gamot sa katawan ni Mr. Ferriero kaya maya-maya ay huhupa na rin iyang lagnat niya," litanya ni Arma. "Here take this." Agad kong kinuha ang ointment na inabot niya sa akin. "Mamaya pagising niya at namumula pa rin ang buong katawan niya ipahid mo iyan sa buong katawan niya," turo niya sa akin. "Sige." "But just a little amount, Ly tapos ikalat mo na lang sa katawan niya be careful at baka madamihan mo at masunog naman ang buong katawan ni Mr. Ferriero," dagdag pa niyang paalala. "Then after that, painumin mo na rin siya ng gamot na for allergies also para hindi na ma triggered pa at kumalat sa buong katawan niya. Lahat ng kailangan at instructions ay sinulat ko na recita basahin mo na lang mamaya nandito sa loob ng supot." Pagkatapos niyang magbilin tungkol sa mga gamot ni Kuya Gavion at sa wastong paggamit ng ointment ay nagpaalam na agad ito sa akin at agad na umalis dahil may meeting pa pala siya within thirty minutes. Habang malalim pa ang tulog ni Kuya Gavion ay inayos ko na lang muna ang mga iilang gamit na nagkalat dito sa loob ng kwarto niya baka kasi kapag magising siya at makita niyang hindi malinis ang silid niya ay magalit siya. Galit pa naman siya kapag maraming kalat sa paligid niya. The sky is getting dusk when he woke up akmang babangon siya ay agad ko itong nilapitan at inalalayan sa kaniyang pagbangon. "Kumusta ang pakiramdam mo, Kuya?" nag-aalalang tanong ko agad sa kaniya. "I'm fine, Lyv masakit lang ang ulo ko," pumipikt-pikit niyang sagot. "Gusto mo bang inuman 'yan ng gamot? Magpapakuha lang ako kay Joy." "Hindi na, Lyv ililigo ko na lang 'to." Kinapa ko ulit ang noo at leeg niya gamit ang likod ng palad ko nang maramdaman kong mainit pa rin siya ay agad ko itong pinagbawalan sa kaniyang pagligo. "Kuya, huwag muna at baka mabinat ka pa niyan hindi pa medyo mainit ka pa rin kasi." "I'll just use hot water instead," tugon niya. "Baka ma triggered naman ng husto ang allergies mo. You know what, Kuya pupunasan ko na lang muna ang buong katawan mo gamit ang bimpo para kahit papaano ay hindi ka na mainitan," mungkahi ko. Mas mainam na 'yon kaysa naman maligo agad siya baka mabigla ang katawa niya at baka lumala pa ang lagay niya. "Lyv, huwag na kaya ko naman maligo, e, as I said okay na ako," giit pa niya. "Pwede ba, Kuya huwag ng makulit hiyaan mo na lang muna ako," giit ko rin na may halong pambabanta. "But, Lyv—" "Isang pamimilit mo pa, Kuya lalayasan kita nang wala sa oras," pambabanta ko na talaga sa kaniya habang nandidilat ang mga kong nakatuon sa gwapo niyang mukha. Agad namang tinakasan ng kulay ang mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko. Bigla naman akong naawa sa kaniya pero hindi ko muna iyon pinakita at baka magpumilit siyang muli. Siya na nga itong tinutulungan tapos ayaw pang magpatulong hindi naman siguro kabawasan sa pagiging lalaki niya kapag tinulungan ko siya. Isa pa ay magpinsan naman kami kaya okay lang din naman. "Huwag kang umalis," may halong lungkot niyang wika. Bumuntong hininga muna ako bago siya sinagot. "Basta huwag kang komontra sa lahat ng gagawin ko," pasupladang tugon ko. "Okay." Susunod lang din naman pala siya kailangan pang dumaan muna kami sa pambabanta. Now I know kung paano takutin ang isang Gavion Ferriero. Huwag siyang magmatigas ngayon dahil kahit malubha pa ang lagay niya ay kayang-kaya ko siyang iwan tutal hindi naman siya nakikinig sa akin. "Dito ka lang," pagkuwa'y bilin ko sa kaniya. Agad ko ng inasikaso ang panglinis niya sa katawan at pinahanda ko na rin ang hapunan niya kay Manang Olga. Ilang sandali lang ay bumalik na rin ako sa silid ni Kuya Gavion dala-dala ang panglinis sa katawan niya at sakto namang hinatid na rin pala ni Manang Olga ang hapunan niya. "Salamat po, Manang," pasalamat ko sa katulong. "Walang anuman po, Ma'am kapag may kailangan pa po kayo ni Sir Gavion tawagin niyo lang po ako," ani pa ni Manang Olga. Isang magalang na tango naman agad ang tinugon ko sa kaniya saka ito lumabas sa kwarto ni Kuya Gavion. Nang kaming dalawa na lang ni Kuya ang naiwan sa silid niya ay pinatay ko muna ang aircon sa kwarto at saka ko pinunasan ng maligamgam na tubig gamit ang bimpo buong katawan niya. Pagkatapos kong linisan ang buong katawan niya ay sunod ko na itong pinahiran ng ointment, ngunit napatigil ako sa pagpahid sa matigas niyang tiyan nang makita kong hindi siya komportable habang nakahiga sa kama niya. Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang paggalaw ng Adam's apple niya at pag-igiting ng magkabilang panga niya idagdag mo pang mabigat at nahihirapan na rin ang kaniyang paghinga. "Kuya, are you alright? May masakit ba sa'yo,?" nag-aalalang tanong ko na ikinamulat naman agad ng kulay abo niyang mga mata. "Nothing," paanas niyang sagot sa nahihirapan pa rin niyang boses. "You sure? E, bakit parang iba yata tunog ng boses mo?" sunod-sunod kong tanong sa nagtataka kong boses. Hindi naman kasi ako manhid at bobo para hindi maintindihan ang nararamdaman ngayon ng pinsan ko. And I hate to say this thing but he's h***y. Pero bakit gayong magpinsan naman kami? Huwag niyang sabihing nag-iinit siya sa bawat haplos at dantay ng mga daliri ko sa katawan niya. Ano pati ako papatulan niya? Is he incest?! Yuck! Hindi naman siguro ganoon si Kuya Gavion kaya erase, erase... He may be a bad guy but I'm pretty sure that he's not incest and he will never be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD