Ilang araw na ang lumipas mula noong nagkasakit si Kuya Gavion ngayon ay masigla na ulit siya at naging abala sa kaniyang negosyo kaya maging ako ay nakabalik na rin sa trabaho. "Kuya Gavion, aalis ka?" tanong ko kay Kuya paglabas ko ng aking kwarto. Kakatapos ko lang kasing umattend ng virtual meeting dahil naka work from home pa rin ako hanggang ngayon. "Yes, Lyv pero hindi rin ako magtatagal," sagot ni Kuya sa akin sabay ayos ng kaniyang suot na polo. "Can I come?" may halong lambing kong tanong sa kaniya. "Aren't you tired?" tanong naman niya habang nakakunot ang kaniyang noo. "Nope, nag meeting lang naman kami," mabilis kong sagot. "Just a sec, Kuya palit lang ako," paalam ko na sa kaniya kahit hindi pa man siya pumapayag. Dali-dali akong nagbihis pagkatapos ay lumabas na

