Matapos umalis ng doctor ay nanatuli kaming tahimik sa loob ng VIP room, pareho naming tinititigan ang baby. “Sa tingin mo, ano ang magandang ipangalan sa baby natin, Babe?” out of nowhere ay tanong ko kay Steven. Wala ako naprepare o napag-isipan na panagalan ng baby namin. Sumagi iyon sa isip ko ngunit wala akong mapili kahit isa sa mga choices. Sumagot namn si Steven. “Ryven Clores na lang ang ipapangalan nayin sa kanya.” Napaisip naman ako. Parang ang ganda ng pangalan. “Sounds good. Matagal mo na iyan pinag-isipan, nuh?” Nang-aasar na tanong ko. “Yeah, actually nung malaman ko ang gender ni baby sa party ay gabi-gabi akong nag-iisip ng pwedeng ipangalan sa kanya, and that it, Ryven.” Napangiti ako habang iniisip ang pangalan. "Ryven... it’s perfect. Bagay na bagay sa kanya, Bab

